Depressed

Makikiraan lang po. Wala kasi ako masabihan ng feelings ko, or ng struggles. 8 months pregnant ako, and I feel so anxious to the point na hindi ako nakakatulog dahil tuwing pipikit ako problema naiisip ko. Wala pa kaming naitabing pera for my delivery. Naka-LOA without pay kasi ako at yung maternity benefit from SSS lang inaasahan ko. Kahit basic needs for baby like alcohol,shampoo, sabon, wala pa. Pati yung laboratory na hinihingi ng OB di ko pa nagawa dahil iniisip ko baka kapusin kami. I have 3 kids. Kung kami lang sana kaya pa makapagtabi. The thing is yung 2 pamangkin ni hubby nasa puder namin. Dahil given nga na sa byenan ko tong bahay na tinutuluyan namin at naiwan sa amin yung mga bata (batang isip, dalaga't binata na, 14 and 15 years old), so kailangan namin saluhin. Kasama namin yung kapatid ng asawa ko na bunso, single, may trabaho, pero di rin makatulong sa gastusin. Yung baon ng pamangkin nya na tig sampu kada isa. Then s amin lahat. Ewan ko ba kung makwenta lang ako o ano, pero sa tuwing nasa bingit ng bangin ang budget ako nasasabon sa asawa ko. Lalo akong nadedepress. I feel worthless. mas malaki sahod ko kesa sa kanya. Pero di ko na kasi kaya graveyard shift kaya ako pinag-LOA ng company. minsan luluha nalang ako bigla ng hindi ko namamalayan. Di ko man lang ma-open sa asawa ko yung sitwasyon. Minsan sasabihan nya ako madamot daw ako dahil yung mga bagay na for hygiene di ako nagpapaheram pag nangheheram pamangkin nya. Kapag naman may humingi ng tulong sa kanya na kaanak andya agad sya. Madaming beses nagpaheram ng pera hindi na binayaran, tapos ako pa daw madamot. Gulo na ng utak ko. Parang gusto ko ng lamunin ng lupa. Sorry kung mahaba. Labas lang ng sama ng loob.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy free po sa health center ang pa laboratory at vaccine for pregnant... mahirap nga po situation mo, dimo pwede solohin yan, share mo sa asawa mo, ipaintindi mo nalang na iniisip mo lang mga anak nyo at ang future baby nyo kse yun ang mas mahalaga. dala na din ng pagbubuntis mo kaya ka masyadong emotional. pray lang.

Magbasa pa

Kausapin mo sya may sarili na kayong pamilya, mas responsibilidad nia kayo. Kayo ang top most priority nia dapat, walang masamang tumulong kung may sobra pero kung ganyan ang case sana unahin muna ang pamilya. Mahirap ung ganyan, mas maganda nakahiwalay kayo na kayo lang ng asawat mga anak mo

Had the same problem before. Pero nag-usap kami ng masinsinan, nag-iyakan. Madali ipaintindi kay hubby pag sya nilalagay mo sa sitwasyon mo. Wala talaga problema sa pagtulong sa kamag-anak (both sides niyo). Maliban na lang kung hindi naman extra niyo ang iaabot niyo.

May philhealth ka naman and pwede ka lumapit sa parang charity ata yun sa hospital meron yun, para madiscount ka pa sa bill. And usap kayo ng husband mo, hindi sa pagiging madamot pero dapat priority yung sa family nyo, tutulong kayo yung kaya lang dapat.

Kaya mo yan mommy!!! Siguro ngayon nahihirapan ka pero sa susunod darating din ang ginhawa sa buhay nyo. Mag smile k lang mommy. Tama yang ginawa mo at nag open ka dito. Mahirap ang walang mapag sabihan.

Kawawa ka naman mamsh mahalaga ang bawat pag uusap ng mag asawa para di struggle ang buhay huwag mo suluhin mamsh kausapin mo ng maayos ang asawa mo, lalo sa status mo buntis kapa 😟

Pagusapan nyo nalang po mommy ng maayos. Mahirap kung may kinikimkim tayo ng sama ng loob lalo na malapit kana manganak. Magiging okay din kayo :) will pray for you! Godbless.

makipag usap ka ng maige sa asawa mo momsh di naman pde saluhin nyo lahat jan at may sariling pamilya kayo at manganganak ka pa.lagi dapat unahin kapanan nyo ng mga anak nyo.

Usap kayo maige ng asawa mo .. huwag mo masyado istress sarili mo.. Para sakin.. loko din yun asawa mo kasi nga binibigyan ka pa nya ng emotional stress lalo na't preggy ka nga..

6y ago

Mahirap makipag usap sa taong di marunong umintindi o ayaw lang talaga intindihin. Kasi kahit anong paliwanag mo di niya pakikinggan. Lalo na kung lahat na lang ng sasabihin mo mali para sa kanya. Useless lang laway at boses mo. Kaya wag mo na lang stressin sarili mo momshi. Ako dinidedma ko na lang.

Nku i feel ng mga ganyan kausapin mo asawa mo ng maayus.pra yan sa pamilya mo..ndi pwde habang buhay pasanin nyo ung ibang tao..unahin nyo pamilya nyo