Mahilig ba mag-Facebook si hubby nyo? Naiinis ba kayo kapag mas inuuna nila yun - meaning nakatingin sa FB habang kausap kayo in casual convo. Or nag-uupdate ng status habnag tinatawag sya ng kid nyo? How do you handle that (or him LOL)?

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kinausap ko si Hubby ko about jan. Esp. now na hindi na siya WFH. Everytime we eat, bawal kaming magcellphone. Bonding namin manuod ng YT sa TV while eating. And sinasabi ko sakanya na, after na naming gawin lahat ng dapat gawin is, dun palang sya maglaro. Ayun, nagkakaintindihan kami. Pag minsan nakakalimot siya or di nya ko nasasagot sa tanong ko dahil sa phone, gagawin ko is, pag kinausap niya ko, di ko din siya sasagutin. Hahaha! After non, marerealize nya bakit ako ganun. Magsosorry siya 😃

Magbasa pa
4y ago

Isa pa, bonding din namin maglaro ng ML pag tulog na si LO 😂

Not Facebook, kundi Youtube! He is so into current events and VLOGS, especially about cars and any adventure kaya minsan kaya nya magdamag walang tulog kakapanood lang. He also uses Facebook for current events and business opportunities. Nothing wrong naman sa kinahuhumalingan nya kaya lang grabe din mgbabad sa computer. Sigh...

Magbasa pa
VIP Member

Yes, nakakairita siya minsan. Lalo na kapag alam mong divided yung attention niya (at super ikli lang ng attention span niya) so all the more nakafocus siya sa fb than sa casual and real conversation niya with you. Usually, I stare at him quietly. The kind of stare na matitigilan siya sa ginagawa niya.

Magbasa pa

Mahilig mag games.isipin mo naka wfh tapos naglalaro parin kahit weekends na 2 days off nya laro parin.kino cold treatment ko na lang kasi nag usap na kami regarding sa ganyan saglit lang tapos back to normal na naman..kaya kung magbabago kasya pinag pray ko na lang sana yung Kusa naman

I stop talking and let him finish what he's doing. Pag tumigil ako sya din nakakahalata na i'm not talking anymore and stop and put down his gadget (effective!) on the other hand you just have to accept na di talaga sila magaling mag multi task tulad nating mga babae =)

Oo, dati lagi siyang nakatutol sa FB. Naiinis ako minsan kapag ang dami kong sinabi tapos ipaaulit sa akin. Sinasabi ko na hindi ako natutuwa na mas focus pa siya sa FB kaysa sa aming family. Ayun, medyo nabawasan na ang pagkatutok sa FB kapag magkausap kami.

Mas naiinis ako sa partner ko palibhasa Gamer. nag work from home pero naglalaro. rest day naglalaro pa rin. minsan nga dadaan na ako sa harap nya di nya mararamdaman. pag kinausap mo saglit lang then back to normal na naman.. 🤦‍♀️🤨

4y ago

Sana all mommy.. kaso iba yung pagiging gamer nya.. may naubusan na ako anmum and pre natal supplements sa sabihin ko sa kanya ahead of time (dahil ayaw rin nya ako mag labas labas) sa sabihin nya "ano ano bibilhin natin bukas? " ay lintek nag sabado na nag Sunday umabot pa ng Lunes wala nangyari sa bibili. tapos the best day gigisingin ka ng alanganin oras dahil bibili daw sya 😤 kaya ginawa ko pinasahan ko gcash money mommy ko para bumili ng needs ko then e pa grab ba lang sa amin.. sa kaka games nya katabi na nya pinto ng kwarto pero di nya makikita lalabas ako tapos magugulat na lang sya nasa Sala ako sabay sa sabihin saan ako dumaan 😤😤 as if may ibang pintuan kami palabas ng kwarto para makababa ako

Ako personally, hindi naman naiinis. Hindi naman nag Facebook si hubby to upate status or to chat with friends. Mahilig lang sya mgbasa and watch videos sa timeline nya related to politics. Dun sya nagbababad and ang tagal talaga. Haha

pinagsasabihan ko sya talaga na puro sya cp. kasi mula pag gising hanggang bago matulog cp lang hawak. nakakagigil sobra kaya pag napupuno ako nagsasalita talaga ako. lalo na kapag aayain mo na kumain tapos sige pa din cp, nakakagigil.

Well me ok lang kasi nasa akin din nmn account niya sa fb may access ako na watch lang siya ng movie sa you tube ayon lang... saka may tiwala ako sa kanya na hnd siya makikipagchat or videocall sa ibang girl kht txtmate