Hiwalayan mo na po habang maaga pa nangyare na sakin yan before base on my xperience kalbaryo ang kinahinatnan hindi ko din alam na may pamilya sya more than a year na kame nun saka ko nalaman at buntis din ako nuon muntik ipaabort ng parents ko yung bby ko kaso makapit sya pinalayas ako ng bahay namen akala ko tutulungan nya kame kaso hindi kung saan saan din ako nakitira hangang sa manganak ako,ang hirap ng dinanas ko nuon subra halos kumapit na ko sa patalim para lang may pang gatas ang anak ko dahil hindi nya kame sinusuportahan im only 18 that time at nkatira kame ng anak ko sa tita ko sa isang liblib na lugar dun ako ngtago, halos tubig at asukal nalang dedehin ng anak ko nuon ni piso hindi nya kame bininigyan dahil andun sya sa pamilya nya alam na din ng pamilya nya saka lang sya magbibigay kapag may gusto sya sa akin 100 pinakamalaking binbigay nya hanggang dumating yung time na nakapag isip ako ng maayus pinaalaga ko anak ko sa kanya at ngtrabaho ako umuwi ako sa amin nung kukunin ko na anak ko ayaw na nila ibigay so wala na akong mgawa hangang nagbalik loob ako sa diyos at humingi ng tawad akala ko nuon wala ng siseryuso sa akin hangang nakilala ko yung LIP ko ngayun inuwi nya ko sa bahay nila pinatayuan nya ko ng bahay bumil kame ng sasakyan 8 yrs.na kame ngayun and im 6 months pregnant sa first baby namen both kameng may regular na trabaho at masaya na kame ngayun dahil tanggap nila ako at tinanggap ulet ako ng family ko, sa ngayun sa pic.ko nalang nkikita yung panganay ko 8 yrs.old na rin nya ngayun alam ko naman na maiintindihan nya ko balang araw kaya sis wag kang mawalan ng pag asa ika nga nila " ang mabigat gumagaan kapag binibitawan"
Magbasa pa