βœ•

50 Replies

Better na makipag usap kapo sa partner mo. Hindi po maganda na nai stress ka, kawawa kayo ni Baby. Usap lang kayo ng maayos ng partner mo, magagawan naman ng paraan yung ganyang bagay. Hindi dapat iniisip na hiwalayan agad o iblock mo, pano maayos kung walang communication? At tsaka ikaw ang partner ng lalaki, buntis ka. Ikaw talaga dapat maghahawak, may karapatan ka na humawak ng pera ng partner mo, dahil para nadin kayong mag asawa dahil pinanagutan ka niya at first at may pananagutan sya sa inyo. Alam naman na ng pamilya nya na may pamilya ng binubuo yung partner mo dapat nauunawaan nila yun, na di na sila pwedeng umasa lang sa partner mo. Magkakapamilya na kayo eh, magastos ang pagbubuntis o pag uumpisa ng pamilya. Alam yun ng biyanan mo. Hindi na binata ang partner mo, para magsustento ng tuloy tuloy sa kanila, kung meron naman nagbibigay ka diba? Sapat na yun, may pinag tutustusan din naman kayo ni partner mo. Kausapin mo din po ng maayos yang mga kasama mo sa bahay. Para maunawaan nila, wag ka na stress momsh. Always pray πŸ™‚

Hi seaman din partner ko and im 16weeks pregnant. Bago sya umalis nitong june. Hindi pa namin alam na buntis ako kaya wala akong alote sa kanya pero may work naman ako. sa papa nya yung atm. And kahit alam ng father or mother nya na kailangan ko ng pampacheckup hindi sila mag bibigay hanggat hindi sinasabi ng anak nila na bigyan ako ng pera.kasi ayaw ko din tlga manggaling sa kanila yung pera na ipang checheckup ko kaya hubby ko mag sasabi sa kanila kung dapat ako bigyan sa side ko masakit kasi nahihirapan ako kasi ako nag pprovide ng pang gamot ko at checkup ko inintidi ko nalang and kakagaling ko lang sa barko ng hubby kasi may byahe silang pinas. Ayun napag usapan naman namin about sa alotment next year aayusin nya pagagawan nya na ako ng sarli kung atm. Kausapin mo lang ng maayos hubby mo sis at intindi nalang sa sitwasyon nyo ngaun. Yang mga kaanak ng asawa mo wag mo intindihin yan d sila makakatulong mas concern pa sila sa pera ng asawa mo. ☺

In my opinion, Better talk to him than block him and hayaan mo ung sarili mo n kimkimin yn. Tell him how awful you feel honestly. You dont have to pretend to your partner n its ok. Tell him your not ok about dun s mga sinasabi ng inlaws mo. Una you have a child. Kaya yung partner mo tiniwala sayo un kc you are the first one n unang makakaalam ng needs ng anak mo. Yng mga yn akala nila they are better s pgbudget but no. You dont have to compete to them kung sino ang hahawak ng atm kc panalo k n girl. Para kcng korona yn kaya may gusto umagaw. Hehe. You dont have to doubt yourself. Be strong and confident and pray. I also think kausapin mo dn inlaws mo kahit ung mother in law mo muna. Tanongin mo sya if talaga ung nararamdaman nya ay napapabayaan mo sya. For me ah, its better kc n pinaguusapan or mapaalam s kanila how you feel. Dont hold back kc you own the crown. Chos πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

Ang selfish naman ng reason nila kung ang inilalaban nila sayo ay d ka kasal. Pano ung anak nyo. Pakakainin ng hangin. Nako nako, karamihan talaga ng tao ngaun d muna pgisipan. Ung gusto lng ang mga alam. I feel sorry talaga dun s mga taong may kasamang mga selfish n tao. Pray for them. Kung d k makuntento s prayer. Magtirik k n dn ng kandila para s mga kaluluwa nila. Haha. Nako ang hard ko n no. Sorry but not sorry. Hehe πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… pero prayers ko ung safety nyong magina at sa mom in law mo. Share the love and wisdom dapat tayo eh.

VIP Member

First. Pag usapan nyo po munang mag partner. Second. Ask your mother-in-law kung nagkukulang ka ba sa pag provide ng needs nya. Kayo na nga po ang nagsabi na yung mother-in-law nyo mismo ang nagbigay ng ATM sayo para ikaw na humawak at ikaw din naman ang nag b'budget. Third. Anong pakialam ng mga sisters-in-law ni hubby mo sa pera nyong mag asawa. And lastly, sino ba ang mas may karapatan na humawak ng ATM ng hubby mo? Ikaw o yung pamangkin nya? Wag po kayong magpadala sa mga sinasabi ng mga kasama nyo sa bahay momsh, mas pinapatunayan nilang sila yung mga mukhang pera and as long as alam mong napoprovide mo lahat ng needs nyo wag po kayong makonsensya 😊

Hays. Buti nga gnyan pa MIL mo eh ung sakin na MIL jusko mukhang pera, imbis na ipon nlang namin ng asawa ko kasi malapit na ko manganak ni singko wala pa kameng ipon para sa panganganak ko. Walang pakealam ung nanay nya bwiset kaya ung asawa ko mag oobliga na magbigay kahit short na short samin makapag bigay lng sya pra daw walang masabi magaling lang sila pag my pera pero pag wala na di na nila kilala, pero napag usapan nman namin ng asawa ko na ganto ganyan naintndihan nman nya kaya nagsabi sya sa kanila na di muna sya magbibigay kc malapit na ko manganak ngaun kahit papanu my naitatabi na kame di tulad nuon buong sahod nya bigay khit wlang matira sa knya.

Kailangan kc maging matapang ka din sis sa lahat ng bagay, at alam m din ung karapatan mo di nman un na babase kung kasal kau or hindi as long as ok kau ng asawa mo at ng anak nya. Di nman masama ang magkusang loob tumulong pero dibale nlng sa mga taong abusado

VIP Member

Wag mo na lang po sila intindihin, hayaan mo lang po nasayo lang atm ng asawa mo. Wait mo nlng magonline asawa mo. Para.magkausap kayo baka one side lang kasi alam nya mas okay alam.nya dn side mo. Wag ka panghihinaan ng loob. Wag mo siya iblock bka mas lalo pa lumaki problem. Kung sa tngn mo nman okay pagbubudget mo hayaan mo lang sila. Prehas kamo kayo magadjust kasi nasa iisang bahay lang kayo. Ikaw na dpat mas responsibilidad ng tatay ng anak mo second his family. Pray ka lang mommy. Pakatatag wag ka papa api. Para kay baby. Its your rights kahit di kayo kasal wag mo isipin yon. Si baby ang iisipin mo lagi. Fighting!!! πŸ˜ŠπŸ˜‡

Wala naman silang magagawa kung ikaw magmanage ng pera ng partner mo. Maski momi nya nga, sayo na pinahahawak ATM. Ikaw kasi ang asawa, natural lang yun. Kung kaya mo gawin, pasok sa kaliwang tenga, labas sa kanan. Hanggang salita lang naman sila eh. Dedmahin mo sis, wag ka paapekto. Suggest ko lang, ipon kayo ni partner mo at bumukod na. Kung toxic dyan sa place mo ngayon, leave and go somewhere else. Find your peace. Saludo ako sa lahat ng nakakasurvive sa depression for a long time. Ang strong nyo. :)

Yes sis, actually sa bahay kmi lang naman ng momi ng partner ko ang mga pamangkin nya. Wla sila dito pero kung makapagdesisyon akala mo alam nila ang situation. Minsan nga sariling sahod ko pa binibili ko ng meds ni momi pagshort na. Hayyy nku

wag mo iblock, dapat pag usapan nyo. be honest with what you feel. mahirap po talaga kasi pag pera na talaga ang pinag uusapan palaging may isyu yan. tingin ko since may baby na kayo, ikaw at baby nyo na dapat ang priority nya kahit hindi kau kasal ituring kna nya na asawa at ikaw talaga ang may mas karapatan na humawak ng pera nyo. usap muna kayo ng partner mo para baka sakali sya na lang makikipag usap sa mga kapatid nya about sa isyu na yan. keep praying po nasa sana maging maayos lahat

Yes po. Cguro dala na rin po ng hormonse. Nung hnd pa kasi ako buntis na diagnosed na ako ng depression pero okay na ako for almost 3 yrs. Ngayon lang parang im slowly giving up 😭

Nako ganyan din s akin. Kaya my notebook ako lahat ng allotment pati gastos naka lista and time to time sinisend ko ung computation sa hubby ko.. D nman nya ako tinatanong pero PERA parin kc nya un dahil sya nman ang nagtatrabaho at hindi ako.. Mas better na nkikita nya kung ano ang nagagastos. Then kausapin mo ung mother in law mo kung my issue ba. Gnun din ung atribida mong sister in law. Ipakita mo kung pano ibudget ung pera..

Buti gnun ung mother in law mo.. Nakakaintindi.. 😊 Tiis tiis lang talaga.

Kausapin mo yung partner mo about dyan. Pwede naman kayong bumukod na lang para walang gulo or bukod na lang sana ang pagkukuhanan para sa anak nyo at sa pamilya nya para walang gulo at hindi ka pagisipan nung mga kapatid. Meron kasi talagang ganyang kamag anak lalo na at hindi kayo kasal. Iisipin nila na pinaglalamangan at yung anak lang ang may karapatan talaga kaya kinukwestyon kung bakit ikaw ang humahawak ng pera.

Trending na Tanong