Badtrip Sa Kapitbahay

Maglalabas lang po ako ng sama ng loob dito, kakainis kasi. Baby ko po nung bagong labas nya sakin kulay nya is pink na pink tska pulang pula ang pisngi, pero nung inuwi na namin sya sa bahay umitim na po sya. Until now 19 days old nya. Ngayon, yung mga kapitbahay parang nanglalait na ewan kasi maitim nga daw si baby bat daw ganon e kaming mag-asawa parehas naman maputi. Anyways kahit ano naman sabihin nila sa baby ko mahal na mahal ko sya at sobrang gandang ganda ako sa kanya ano pa man maging itsura nya. Ayoko lang talaga makakarinig ng di maganda about sa baby ko lalo kung hindi harapan. Kabadtrip lang talaga yung mga taong walang magawa sa buhay hays. Ps. Yung 1st and 2nd pic, sa lying in pa kami. Then yung 2nd, pang 3 days sa bahay na. And yung last kahapon lang po.

Badtrip Sa Kapitbahay
110 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ung anak ko nun kala ko maitim e pero pagdating ng 6months pumuti.. Wag ka paapekto sa iba mema lang mga yun.

Wag mo na lang pansinin mommy. Hayaan mo sila. Ganyan talaga mga babies. Naiiba po kulay nila habang lumalaki

As long as hindi naninilaw teh๐Ÿ˜‚, d pa nman yan ang talagang skin color nya , magbabagot magbabago pa yan

Inggit lang ang sila momsh kasi cute ng baby nyo.. Hayaan mo sila,mga walang magawa sa buhay๐Ÿ˜ท

Wag mo silang intindihin. May mga ganyan talagang Tao. Wala Kang marinig na maganda sa kanila.

VIP Member

Same ng second baby ko ehe maputi nung nasa hospital paguwi umitim after 2months maputi n ulit

5y ago

3 babies ko sis, ang puti nung lumabas tas biglang naging nognog until 2-3mos ๐Ÿ˜‚ pero biglang change naman to lighter skin until ngayong malalaki na sila. Kaloka din kasi di ganyang "itim" (picture above) ang minimean ko.. Yung super morena/moreno type talaga ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Maputi yan mommy habang lumalaki. Wag mo na pansinin yung mga chismosa mong kapitbahay hehe

Aynako mamsh wag mo na sila pansinin, magbabago pa kulay ni baby habang lumalaki sya

Magiiba pa naman po yung skin ni baby, yaan mo yang mga chismosang kapitbahay nyo

inggit ako s buhok ng baby mo, sana baby ko paglabas makapal din ang buhok hehehe