takot

Maglalabas lang po ako ng pagdaramdam. 22 years old na ako at 21 weeks preggy. May trabaho naman at sa kalagayan ko ngayun di pa masyadong halata na buntis ako. Iyong boyfriend ko 27 years old, 4na taon na kaming LDR pero kahit papano nagkikita naman. Alam ng buong pamilya ng bf ko na buntis ako. Katunayan, gusto nilang makasal muna kami bago ako manganak. Ang problema ko lang ay yong side ko. Hindi nila alam na buntis ako. Kahit na dito pa rin ako umuuwi sa amin. Natatakot akong baka hindi nila matanggap, kasi in the first place, hindi ko rin malaman kung tanggap ba nila ang bf ko. Tyaka madami silang pangarap para sa akin. Kumbaga, mataas ang expectations nila sa akin. Natatakot akong itakwil nila ako pag nalaman nilang magkakaanak na ako. Noong una talaga, iniisip ko kung itutuloy ko ba ang pagbubuntis ko o ilalalag ko na lang siya. Sabi naman ng bf ko nasa akin na raw kung anong gagawin ko sa anak namin. So pinili kong buhayin si baby sa kabila ng pangamba ko. Hindi naman ako binigo ng bf ko, dahil suportado niya ako sa lahat lalo na pagdating sa mga check ups at iniinom kong gamot. Binabalak kong umalis na lang dto sa amin habang maaga pa at itago na lang sa kanila itong pagbubuntis ko. Pero hindi naman ako makikitira sa bahay ng bf ko. Gusto ko lang bumukod at mapag-isa. Nais ko lang ding makahingi ng payo mula sa inyu. Hindi ko rin malaman kung tama ba ang mga iniisip ko eh. Salamat.

33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

We almost have the same story. 22 y/o ako rn and sobrang taas din ng expectations ng parents ko sakin lalo na panganay ako. Di ko rin agad sinabi sa kanila kasi paulit ulit mama ko na nakakahiya kung mabuntis ako agad, nakakahita sa mga kamag anak ganun tapos need ko daw umalis sa bahay pag nabuntis ako pero nangyare na nga yung kinatatakutan kong araw na nahahalata na nila na lumalaki yung tyan ko kaya sinabi ko na. Ayun, andito pa rin ako sa bahay at sinusuportahan nila ako sa lahat. Tandaan mo, pamilya mo lang ang kayang tumanggap sayo maski sarili mo isinusuka mo na. Tell them, lakasan ko loob mo kasi maraming sermon at pagalit maririnig mo pero ganun talaga. Kaya mo yan girl 😊

Magbasa pa