Mahirap pag ayaw sayo ng in-laws mo ?

Hello guys pashare naman ako ng thoughts ngayon ? eto hindi lang pregnancy hormones to. Ang hirap makisama sa family ng bf ko. Mayaman nga sila pareho naman na kaming tapos ng bf ko licensed teacher ako at siya naman call center agent siya. Pero as of now siya lang nagwwork and ako stop muna since 4 months pregnant ako. Alam mo yung since nabuntis ako dumami na yung problema. Ayaw sakin ng parents ni bf and plano namin magpakasal na sana pero iniipit nila. Di kami makapagpakasal kasi required ang parent’s consent kapag nagpakasal. Alam na nilang buntis ako at ang gusto nila ay ipostponed muna yung kasal hanggang sa time na matanggap na nila ko. Instead na magamit namin yung health card ni bf kailangan pa namin silang hintayin na matanggap ako. Di nila ko nameet personally one time lang. Nung naglayas pa sa kanila yung anak nila. Masyado silang controlling na mga parents naiintindihan ko naman. Pero parang lahat ng nangyayare sa buhay ng anak nila gusto nilang kontrolin ngayon lang nasstress ako dahil hindi ko pa sa ibang kamag anak ko na buntis ako dahil nga di pa kami kasal kahit sa kanila ang nakakaalam lang yung parents niya at yung kapatid niya. Alam niyo yun na parang nag uumpisa palang yung pamilya namin kinokontrol na nila nakakalungkot lang. Katulad ngayon nag open up sakin yung bf ko na ako daw sinisisi ng papa niya kaya siya di nakaattend ng party nangsusulsol daw ba ko like that since si bf samin na umuuwi. Ayun parang lahat ng ginagawa ko para sa anak nila may judgement pa. Everyday ako nagtetext para kamustahin sila and inuupdate sila sa ginagawa ng anak nila but then masama pa din ako sa kanila sobra kong nasstress ngayon di ko alam kung pano ko kukunin yung loob nila. Kahit di ko na makuha yung loob ee sana man lang marunong rumespeto ng tao lalo’t wala naman akong ginawang masama sa kanila ? nakakalungkot lang umiiyak ako ngayon kasi gantong klaseng lolo at lola ang nabigay ko sa anak ko ? miski ako natatakot na baka pag labas ni baby may judgement silang mabigay sa anak ko?

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

24yrs old and below po ang need Ng parental consent. I assume nasa ganyang edad pa Kayo. Nung nagpakasal kasi ako nung 2018 25 na ako so no need na. Ganyan din ako sa tita at mama ng asawa ko dati. Panganay Ang asawa ko at nun pa Lang nag I start mag trabaho kaya Parang hinahanapan nila lagi Ng sahod e samin na nauwi Ang asawa ko nun. Parehas kaming call center agent that time. Dumating na sa punto na Sabi ko sa asawa ko ibigay nya na buong sahod nya sa mama nya at sila Ang mag budget para sa kanya para malaman nila ang gastos ng trabaho namin from Cavite to Alabang everyday. Nagbibigay Naman Ang asawa ko sa kanila na bf ko pa Lang that time. 4k kada sahod. Hati lagi. Tapos but budgetin na namin para sa pagkain at pamasahe ung matitira. Diko na Lang pinapansin Kasi gf pa Lang ako that time. Hanggang sa unti unti silang nagbago at naging okay sakin. 4yrs na kami Ng anak nila ngayon at kasal na din. Tiis tiis Lang talaga sa simula. Ngayon napagtatalunan pa din namin minsan ung spending Ng mama nya pero minimal na Lang. Namatay Kasi byenan Kong lalaki at di pa nalilipat pension nya sa byenan ko g babae Kaya every time na gipit sila ichachat nila asawa ko para manghingi. Which is okay Naman sakin naiintindihan ko Naman, Ang kinakainis ko Lang e inuubos Lang nila sa non essentials ung pera, kasama ko Kasi sa isang page sa fb mama nya, pag may nagpopost Ng nagbebenta Ng Kung ano ano lagi syang naka comment. Order dito order dun. Ngayong lockdown nakita ko pa syang nagtatanong magkano magpa rebond samantalang kahihingi nya Lang sa asawa ko Ng pera dahil daw Wala na silang budget. Isa Lang kapatid Ng asawa ko so maliit na pamilya Lang sila. Hinahayaan ko na Lang since asawa ko Ang nagwowork. Pero sinasabihan ko sya na wag I spoil mama nya. Kasi sobrang spoiled sa byenan Kong lalaki Yun. Bigay luho lahat nung nabubuhay pa. Pinagpapasa Diyos ko na lang lahat, as long as di kami napapabayaan at nakikinig Naman sakin asawa ko.

Magbasa pa
5y ago

18-21 yo parental consent. 22-25 yo parental advice na lang ang requirement :) as per The Family Code, Articles 14-15.

Hayaan muna sis...magbabago din mga yan pagnakita na baby mo...pinagdaanan ko na yan sis...buti ka nga tapus...ako hindi mas marami ako narinig sa side ng asawa ko...my kaya din kasi side ng asawa ko...at ang dami kona pinagdaanan sa kanila lahat ng pakikisama pero di ako masagot sa kanila...hinahayaang ko cla magsalita...buti nalang at mahal na mahal ako ng asawa ko...nung nanganak ako ayun di ko pa nahahawakan anak ko nauna pa lola nya...lumambot din ang puso kahit papano sa kanila kami nakatira hangang ngaun...pero lahe sakin kampi asawa ko kaya wala ri cla magawa madaldal pero mas bumait ngaun kaysa noon...lalo na sa anak ko...😊

Magbasa pa
VIP Member

For me, dapat si bf kumausap sa parents niya. And don't worry sis kung di ka gusto kase anak naman nila pakikisamahan niya pero dahil kailangan niyo consent nila sa wedding, u really have to wait. Talk to your bf about your concerns. Nuong una ma feel ko din ayaw ni MIL sakin, even after ko manganak kase di ako masunod sa gusto niya or ibang paalala niya kase against sa beliefs ko, pero i always objeact with respect naman. And i always tell her the truth even sa relationship namin ni LIP before hehe. It takes time. Just be yourself, matatanggap ka rin nila in time. For now, focus on yourself and baby. Stay safe. Godbless ü

Magbasa pa

You don't need to really push yourself sa fam nya... si BF sana mismo ang gagawa nyan for you. Ano ba plan ni BF? Handa ba sya na samahan ka and temporarily iwan muna parents nya? Wait nalang kayo til mag 22 si BF. But be sure na mapanindigan nyo yan. Ipakita nyo sa kanila na kaya nyong dalawa without their control. Dapat sana ang BF mo ang firm about sa sitwasyon nyo. Pero reading your sentiment, parang go with the flow lang si BF and ikaw lang ang worried about it. Padesisyonin mo ang partner mo.

Magbasa pa
VIP Member

Tingin ko sis need mo muna bigyan ng time in laws mo and wag mo muna masyadong ipush sarili mo sakanila. Kung may mga events man sa family lagi kayo pumunta, offer help if you can. Suguro hindi palang din sila ready for kasal. It can wait naman. 😊 cheer up. Wag ka magpaka stress sakanila lalo makakaapekto sa baby mo. Stop texting din muna. Siguro kumustahin mo nalang sila every once in a while. Wag masyado mag isip. 😚 magiging ok din yan.

Magbasa pa

Momsh, somehow we're on the same boat. Like me, parang walang gana yung parents in law ko sa daughter ko. Pro hinahayaan ko nlng... at ikaw momsh pls dont stress yourself. Kasi minsan nakikita yan sa anak mo pagka silang niya sometimes sobrang iyakin nila.. Time will come matatanggap karin nila. Malay mo pag nakita nila ang kanilang apo magbabago pakikipagtungo nila sayo. Keep on praying po.

Magbasa pa
5y ago

Thankyou Mamsh 💕

Eh ang bata niyo pa kasi siguro. Bat kasal agad? 22 ako, 21 bf ko. Ayoko magpakasal muna. At rason mo lang naman para magamit hmo ng bf mo hahaha magwork ka na lang. Ako nga working student eh, hmo ko gamit ko. Masyado pa bata para magpakasal tsaka papakasal lang kasi buntis? Hahahaha ewan ako kasi 6 yrs na kami ng bf ko ayaw ko pa rin siya pakasalan kahit manganganak nako 🤣

Magbasa pa
5y ago

Kaedaran nyo lang sila, 22 din yung sender. Wag kang judgmental. Di naman ikaw pinag-uusapan dito. Gumawa ka ng sarili mong post kung gusto mo ibida sarili mo. 😏

VIP Member

I'm sure sis pag nakita ng parents ng bf mo ang baby niu, mawawala ung Inis nila sayo. Ganun nman kc mga magulang. Sa umpisa di tanggap dahil para sa kanila masyado pang early na pumasok kayo sa ganyang sitwasyon pero sa kalaunan din nman mawawala din yan sis. Matatanggap at matatanggap ka din nila. Have faith, sis. 😊

Magbasa pa
VIP Member

No need na yata parents consent. Check google sis. Nasa tamang edad na kayo. Anyways, let go of the things that you cannot control. Focus ka muna sa baby mo dahil nararamdaman nila kung ano nararamdaman natin. Just be good to them pakita mo sa kanila di ka masamang tao. Baka magbago din yan pag makita na nila apo nila.

Magbasa pa

Licensed Teacher po kayo db required kayo na magpakasal? Kasi kayo dpt ang role model sa mga student. Alam na po ba ng School nyo na hnd pa kayo kasal at buntis ka na bago magka ECQ?