Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
blessed
lamig o cramps?
Tanong ko lang kung normal ba sa buntis ang makaramdam ng paninigas ng binti hanggang sa talampakan lalo na sa madaling araw? Grabe kasi yung experience ko. Magiisang linggo ng ganto ang nararamdaman ko kaya nagpapahid ako ng efficascent oil at nagsusuot ng mejas bago matulog. D ko rin alam kung lamig ba ito kasi nageelectric fan din ako.
dark areas
Pag ba nangingitim ang mga singit mageexpect na ba ako ng baby boy?
takot
Maglalabas lang po ako ng pagdaramdam. 22 years old na ako at 21 weeks preggy. May trabaho naman at sa kalagayan ko ngayun di pa masyadong halata na buntis ako. Iyong boyfriend ko 27 years old, 4na taon na kaming LDR pero kahit papano nagkikita naman. Alam ng buong pamilya ng bf ko na buntis ako. Katunayan, gusto nilang makasal muna kami bago ako manganak. Ang problema ko lang ay yong side ko. Hindi nila alam na buntis ako. Kahit na dito pa rin ako umuuwi sa amin. Natatakot akong baka hindi nila matanggap, kasi in the first place, hindi ko rin malaman kung tanggap ba nila ang bf ko. Tyaka madami silang pangarap para sa akin. Kumbaga, mataas ang expectations nila sa akin. Natatakot akong itakwil nila ako pag nalaman nilang magkakaanak na ako. Noong una talaga, iniisip ko kung itutuloy ko ba ang pagbubuntis ko o ilalalag ko na lang siya. Sabi naman ng bf ko nasa akin na raw kung anong gagawin ko sa anak namin. So pinili kong buhayin si baby sa kabila ng pangamba ko. Hindi naman ako binigo ng bf ko, dahil suportado niya ako sa lahat lalo na pagdating sa mga check ups at iniinom kong gamot. Binabalak kong umalis na lang dto sa amin habang maaga pa at itago na lang sa kanila itong pagbubuntis ko. Pero hindi naman ako makikitira sa bahay ng bf ko. Gusto ko lang bumukod at mapag-isa. Nais ko lang ding makahingi ng payo mula sa inyu. Hindi ko rin malaman kung tama ba ang mga iniisip ko eh. Salamat.
Bus Traveler
is traveling a lot may be dangerous to a pregnant woman most especially if she lives in an urban like Metro Manila and her daily mode of transportation is Bus?