takot

Maglalabas lang po ako ng pagdaramdam. 22 years old na ako at 21 weeks preggy. May trabaho naman at sa kalagayan ko ngayun di pa masyadong halata na buntis ako. Iyong boyfriend ko 27 years old, 4na taon na kaming LDR pero kahit papano nagkikita naman. Alam ng buong pamilya ng bf ko na buntis ako. Katunayan, gusto nilang makasal muna kami bago ako manganak. Ang problema ko lang ay yong side ko. Hindi nila alam na buntis ako. Kahit na dito pa rin ako umuuwi sa amin. Natatakot akong baka hindi nila matanggap, kasi in the first place, hindi ko rin malaman kung tanggap ba nila ang bf ko. Tyaka madami silang pangarap para sa akin. Kumbaga, mataas ang expectations nila sa akin. Natatakot akong itakwil nila ako pag nalaman nilang magkakaanak na ako. Noong una talaga, iniisip ko kung itutuloy ko ba ang pagbubuntis ko o ilalalag ko na lang siya. Sabi naman ng bf ko nasa akin na raw kung anong gagawin ko sa anak namin. So pinili kong buhayin si baby sa kabila ng pangamba ko. Hindi naman ako binigo ng bf ko, dahil suportado niya ako sa lahat lalo na pagdating sa mga check ups at iniinom kong gamot. Binabalak kong umalis na lang dto sa amin habang maaga pa at itago na lang sa kanila itong pagbubuntis ko. Pero hindi naman ako makikitira sa bahay ng bf ko. Gusto ko lang bumukod at mapag-isa. Nais ko lang ding makahingi ng payo mula sa inyu. Hindi ko rin malaman kung tama ba ang mga iniisip ko eh. Salamat.

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello ate. 22 years old din ako yung asawa ko ngayon 20 lang. Maniwala ka ate walang magulang ang matitiis ang anak. Ngayon ko napatunayan yon. Nag iisa akong babae sa 4 na magkakapatid may 3 kong kuya na nasa ibang bansa lahat. Gaya sayo mataas expectations nila sakin. Graduate ako ng college nag tatrabaho na ko yung asawa ko di yun nakapagtapos ng pag aaral hanggang senior high lang. Pinaka masakit pa sa side ko is may anak na din siya. Pero sa kabila ng yon tinanggap padin siya ng magulang ko lalong lalo na ng mga kuya ko. Magagalit sa una pero mawawala din lahat. 4 mos na din nila nalaman na buntis ako at mas masarap sa pakiramdam kasi lahat ng myembro ng pamilya ko suportado samin. Masarap mag alaga ang nanay sa anak na buntis promise. Naisip ko din noon na wag na lang ituloy napainom pa ako ng mga pain reliever noon pag may nasakit sakin kahit alam kong buntis ako. Pero isang araw nagising na lang ako na okay na wala na yung bigat sa dibdib ko kasi nasabi ko na. Kaya mo yan girl :) Mas hahanga sayo ang magulang mo kung sasabihin mo sakanila. Kesa naman aalis ka sainyo diba? Mas masarap na nasa puder ka ng pamilya mo. Kasi kahit anong mangyari di ka nila papabayaan. :) Tandaan mo din. Pag umalis ka sainyo ibig sabihin kaya mo na ang sarili mo. Mas okay na harapin mo kung ano yung tama kesa pangungunahan ka ng takot.

Magbasa pa

Hello po concern po ako sa situation mo and ni baby. Di ko mapigilang hindi magcomment pasensya na po. 1st of all ate wag kang matakot sa pamilya mo ano pang suliranin ang pinagdadaanan mo matatanggap at matatanggap ka nila dahil pamilya ka nila. Wag mong ipagkait ang anak mo sa pamilya mo kaylangan mo ng suporta mula sakanila trust me iopen mo lang ang puso mo sa pamilya mo at mawawala lahat ng pangamba at takot mo. Mahirap manganak na mag isa ka lang even though nanjan ang daddy at pamilya ng hubby mo pero iba pa rin ang comfort ng sarili mong pamilya. 2nd karapatan ng mga batang ipinapanganak na makilala ang both sides ng parents nila (grandparents cousins tito tita etc). 3rd you are under depression kaya kung anu anong pumapasok sa isipan mo. Mag open up ka kay God to release all the worries and pain you have and seek for help sa hubby mo po pag usapan nyo kung pano nyo sasabihin sa side mo na buntis ka remember ate mahirap magbuntis ng may pain na dinadala alalahanin mo na lang ang baby mo dahil kung anong nararamdaman mo nararamdaman din ng baby. So ate just atleast try napakasarap mabuhay ng walang dinadalang worries. I'll pray for you and baby na maging okay na kayo sa family mo. Godbless and take care 🥰💕

Magbasa pa

Initial reaction talaga natin na madidisappoint ang parents natin. PERO NO! Ang parents pa rin natin ang unang-unang tatanggap satin. Hindi mali ang pagkakaroon ng baby dahil BIG BLESSING yan :) Swerte ka pa girl dahil andyan si jowa at family nya. Wag na wag mo iisipin na hindi mo na matutupad ang iba mong pangarap dahil nagkaroon ka na ng baby. Si baby ang gawin mong motivation to be a better version of yourself and to achieve more. Hindi hangganan ang pagkakaroon ng baby, si baby pa nga ang magbibigay ng dahilan para maging matuwid ang landas natin. Go and share this good news to your family. They will be happy! :) At hayaan mong si mother mo mismo ang mag-alaga sayo (iba ang alaga ng ina ❤️) Ganyan din nasa isip ko upon knowing na buntis ako. Nabuhay din kasi ako na mataas ang expectations sakin at takot ako sa disappointment. Madami pa kong gustong patunayan sa family ko. Pero hindi ako nagpatalo dahil na rin sa pagpapalakas ng loob ng mga taong nasa paligid ko. Sinabi ko sakanila at sobrang saya nila. Mas excited pa sila kaysa sakin hahahahahaha! At pinangako ko sa sarili ko na babawi ako sa nagawa kong ito. Papatunayan ko sa mundo that I can do and achieve more with my baby :)

Magbasa pa

21 yrs old lang ako nung nalaman namin ng bf ko na buntis ako. Same kami ng bf ko na may work na at tapos na mag aral din. At first po, syempre takot ako sabihin sa family ko kasi only child ako. Ang taas ng expectation nila sakin especially sa papa ko. Alam din sa side ng bf ko na buntis ako. Mama ko unang nakapansin sa changes ng katawan ko kaya kinausap niya ako ng mahinahon, at doon na ako umamin sa kanya. Kinausap niya papa ko. At first, masama loob ng papa ko. Umabot pa sa point na di na ako masyadong kinakausap ni papa. Humarap naman po ng maayos yung bf ko sa family ko and sinabi namin yung plans namin. Naging okay naman po lahat. Pagka panganak ko tuwang tuwa yung papa ko. Siya pa nga nag aalaga everytime papasok na ako sa work. Happily married na kami ngayon. May 7 yrs old and 4 yrs old na kami at may paparating na rin 😊. I suggest sabihin mo na sa family mo. Wag mo itago yang pagbubuntis mo kasi family mo lang makakatulong sayo. At first andiyan talaga yung ma di disappoint sila sayo pero matatanggap ka pa rin nila. Good luck sayo.

Magbasa pa

Sabihen mo na sa family mo, di nakakabuti kay baby na na sstress ka ng ganyan. Ganyan din ako mas malala pa nga kase puro nako sablay sakanila puro pag bubulakbol ang gnagawa ko noon madami na silang chance na binigay sakin na dapat di ko na sinayang pero nung nalaman kong buntis ako sinabe ko din oo nakaka takot sa una pero magulang padin natin sila at tatanggapin nila tayo kahit ilang pagkakamali pa yun. Magagalit sila sa una given na yun pero eventually matanggap nila yan matatanggap ka nila kesa naman patungan mo pa ng pagkakamali yung isa pang pag kakamali. Kung ano man maging desisyon nila atleast sinabe mo yung sitwasyon mo, mas gagaan sa loob mo yun promise. Isipin mo si baby. Wag mo sya itago. Hindi nya deserve itago. Keep safe sis. Malalampasan mo din yan. Sana sa susunod mong pag oopen eh nasabe mo na sakanila yung tungkol sa inyo ni baby ❤️ Cheer up. May angel ka na sa buhay mo 😍 Btw im 22 yrs old din and 24 weeks pregnant 💖 Ngayon sobrang alaga ako dto sa bahay dahil iniingatan nila ako at yung magging apo nila.

Magbasa pa

20 years old ako nung nabuntis. Ganyan naman talaga lahat ng parents... maraming plans for us. For sure magagalit talaga yan o magtatampo pero most of the stories I know, tanggap nila ang apo nila. Babaan mo pride mo. Wag ka masyadong matakot na pagalitan ka or itakwil ka kasi simula't sapol kung makikipag sex ka before marriage dapat nasa isipan mo na anytime pwede kang mabuntis and lakip na jan ang disappointment ng parents mo so dapat ready ka for that. Kung aalis ka jan, do you think they will no longer be your parents? THEY WILL STILL BE. They will still care and doing that will just worsen the problem. Submit yourself to them and kung anuman reaksyon nila, dun kana mag think sa next step. Ikaw muna makipag usap with them. Then, next let your BF face them and dapat by that time, may plans na kayo for the baby na masasabi nyo sa parents mo. Isang deep breath and out then spit it out. Trust me, they will love your baby, the way they love you.

Magbasa pa
VIP Member

Same case mommy.. Nabuntis ako 22 y/o unexpected dn.. 1 year plang after ko mag graduate at malaki dn expectation skn.. Nilakasan ko lng loob kong sabihin s parents ko pero grabe talaga yung sakit na yun.. Mama ko kalmado lang pero yung papa ko namura ako.. 😣 Ilang araw akong walang kausap s bahay.. Natutulog ako sa sala lng tapos tuwing kakain sila di man nila ako niyayaya.. Selan ko pa nman maglihi nun.. Kaya pagkatapos nila kumain dun plang ako maglu2to ng pagkain ko.. panay itlog 😅 dhil un lng din gusto ko.. Nangaospital pa papa ko nun at grabe pinayat.. 😣😣 Hanggang s dumating point na nagpa counselling sila s pari nmn.. At ayun awa ng Dios, umayos din.. natanggap nila.. Sabi kc ni father noon ko sila mas kailangan.. 😌 Ok naman kame ng asawa ko, nagpaksal kme s civil bago ako manganak. Ngayon, magdadalawa na baby namin.. 😁😁 At sobrang tuwang tuwa papa ko sa panganay ko.. 😄😄 Ayan na sya ngaun 😁😁

Magbasa pa
Post reply image

ganyan din balak ko noon. umalis at magtago. not because of fear sa rekasyon nila kundi takot akong maging pabigat. pero as their child po kasi they have all the rights to know kung ano nangyayari sa anak nila. so you better tell them nalang po. theyll accept it naman kase love ka nila. walang parents ang makakatiis sa anak nila especially sa ganyan sitwasyon. wag mo nang palalain ang situation. 22yo din ako at 26weeks preggy na. right after malaman namin na preggy ako sinabi na namin agad. 5weeks palang ata ako preggy nun. and panganay pa ko. same thoughts. pero family ko pa nagpush na ikasal kami. ngayon everything is going on fine. wag ka nang matakot, mahalaga ginawa mo sinabi mo. nasa parents mo na yun kung tanggap nila or hindi. just do your part as a daughter. :)

Magbasa pa
VIP Member

Nagawa mo ngang bumukaka at nasarapan Yung magsabi sa pamilya mo dimo magawa? Haller 22 kana nasa tamang edad kna, lahat naman ng parents may expectation sa mga anak, tapos aalis ka ng walang paalam at hindi ipapaalam? U think di nila malalaman yan? Ano mo ba sila? Diba pamilya mo? Ikaw dapat nakakaalam kung matatanggap nila yan, Baka nga may alam na sila hinihintay ka lang nilang magsabi at sayo magmula, atsaka maging responsable ka hanggat maaga ipaalam mo, kung di nila matanggap dimo na problema yun ang mahalaga sinabi mo sakanila sitwasyon mo, maswerte kapa rin dahil responsable naman pala bf mo at handa kang panagutan di tulad ng ibang mommy na tinaksan ng nakabuntis, Sabi nga ginawa mo panindigan mo,!!!

Magbasa pa

We almost have the same story. 22 y/o ako rn and sobrang taas din ng expectations ng parents ko sakin lalo na panganay ako. Di ko rin agad sinabi sa kanila kasi paulit ulit mama ko na nakakahiya kung mabuntis ako agad, nakakahita sa mga kamag anak ganun tapos need ko daw umalis sa bahay pag nabuntis ako pero nangyare na nga yung kinatatakutan kong araw na nahahalata na nila na lumalaki yung tyan ko kaya sinabi ko na. Ayun, andito pa rin ako sa bahay at sinusuportahan nila ako sa lahat. Tandaan mo, pamilya mo lang ang kayang tumanggap sayo maski sarili mo isinusuka mo na. Tell them, lakasan ko loob mo kasi maraming sermon at pagalit maririnig mo pero ganun talaga. Kaya mo yan girl 😊

Magbasa pa