Maglalabas lang ako ng sama ng loob since wala ako makausap dahil naka bedrest na ako hanggang manganak.
Masaya ako dahil yung in-laws ko ay masaya dahil na preggy na ako (first apo) supportado naman sila. Since bedrest na ako dahil maselan ako at yung asawa ko ay hindi pa nakakasampa sa barko dahil lumipat siya ng agency medyo financialy problem kami.
Supportado naman ako FIL ko, nagpapadala siya smin ng pnggastos namin. At nabili na rin siya ng mga damit ng apo niya (seaman din po kasi) tapos malaman laman ko lang na nagaaway sila financialy ng MIL ko. Isip isip ko para naman sa apo nila yung ginagastos at yung padala naman ng FIL ko is nung nahospital ako, at png araw araw namin na gastos ng hubby ko at pmbili din ng konting gamit ng magiging apo nila. Ang kinasasama ng loob ko, sinusumbat ng MIL ko mga ginastos ng FIL ko samin magasawa.
Tapos pinatira kami ng Inlaws ko sa bahay nila since mag for good na daw sila sa province so pumayag kami ng asawa ko at hindi na kumuha ng bahay. Nung week na nahospital ako, umuwi MIL ko tapos nagalit siya dahil ng kalat ng bahay at ang gulo (hindi nakapaglinis dahil na hospital nga po ako at bedrest na ako paguwi hindi maka kilos) sakin naman kaya ayokong tumira kasama ang in laws dahil may mga nasasabi silang ganyan. Tapos titirahan padin daw nila itong bahay after 2 years makakatapos lang ung SIL ko sa Masteral nya (nakisabay pa sa gastusan kaya nag aaway away financial)
Alam ko naman na dapat obligasyon namin mag asawa ang gastusin sa pagbubuntis ko. At ngayon po paalis na asawa ko pero suportado padin ung FIL ko sa financial namin (we never asked for it)
Ano po kayang magandang gawin?
PS. Kumuha na din po pala ako ng bahay namin dahil ayoko nga po tumira kasama in laws at hindi din ako makakakilos ng maayos. Ano po kaya pwede kong gawin?
Anonymous