Mga mukhang pera

Super nauurat nako sa family ng boyfriend ko dati naman hindi sila ganto. Pero ngayon grabe na! lalo na yung tatay nya, Utang ng utang dito di naman nagbabayad almost 5k na utang! puta puro pangako na (makakabawi din ako sayo nak) Eto namang mama nya dito lagi nahiram pera halos araw araw na jusko naman! Dito nalang kaya kayo tumira? Hiram ng hiram din dito di nmn nagbabayad! Magbibigay ng pagkain or kung ano kaso may kapalit kelangan pahiramin mo muna pera! Jusko walang kusang loob? Mga kapatid ganon din! Dito nahingi ng baon. Puta anak ko ba kayo? Kapal pa ng mukha nangangalkal pa ng mga barya ko eh iniipon ko nga yun dahil pinupuno ko yung ipon challenge ko para sa darating na baby ko! Jusko wala nako masabe sa pagiging mukhang pera nila. Alam naman nila wala work anak nila at finding palang dito pa umaasa! Kakainis eh. Di naman ako madamot pero yung araw araw nalang ganto!? Kakasawa na!

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

You know what to do. All you have to do is do it or continue being like that. Do tolerate them or do stop them. As simple as that.

5y ago

Sis mahirap po kase tumanggi ayoko naman po masabihan na ang damot ko

Hirap nman niyan sis