Guilty

Magbf gf palang kami alam ko na rason bat siya iniwan ng long time gf niya ay dahil wala raw future sakanya. Hindi naman issue sakin yun dahil bago palang kami at wala naman sa pag aasawa ang isip ko. Hanggang sa nabuntis niya ako napapaisip na rin ako na tama nga yung ex niya. Yung estado kasi ng pamilya niya ay parang pag walang nagtrabaho sakanila wala silang makakain wala rin negosyo na pwede pagkakitaan. Nasa punto rin sila ng pati pangbayad ng tubig iuutang pa nila. Ang pamilya naman namin hindi kami mayaman pero hindi kami nakaranas na magutom at may konting luho sa buhay. Dumating ang pandemic walang nagpapagawa ng bahay kaya wala siyang trabaho. Nagkaroon rin kami ng pagkakataon na makilala pa ang isat isa dahil nagsama kami samin mula ng march hanggang june. Sa pakikisama sa pamilya ko walang problema sakanya inuutusan siya sa bahay gagawin niya ng walang pagdabog madalas rin siya pa nagkukusa. June umalis na siya samin dahil kinuha na syang pahinante ng bayaw niya pero hanggang ngayong july hindi pa rin siya binibigyan ng sahod kaya ang ending si mama gumagastos ng mga vitamins,check up, ultra ko at gamit ng bata. Kaya sa sobrang hiya ko kay mama sa dami niyang gastos sakin siya napagbubuntungan ko ng galit. Sinasabihan ko siya ng walang kwenta, na hindi man lang siya tulungan ng pamilya niya sa gastos. Lahat ng masasakit na salita natanggap niya na sakin. Pero pag nalalaman ko kung ano pinagdadaanan nya sa trucking kung saan wala silang ligo, puro late ang pagkain minsan isang beses pa sa isang araw kumain kakahintay makargahan yung truck. Na pag sumasama pakiramdam niya na ultimo gamot na biogesic hindi siya makabili dahil walang wala siyang pera naguguilty ako. Na kahit sa tsinelas niya ipapako niya nalang para magamit niya pa ulit. Na tinitiis niya lahat ng hirap para samin ng anak niya. Para makaipon siya ng pangpanganak ko. Sobrang swerte ko pala sa lalaking to kahit hindi siya mayaman kaya niya magsumikap at magtiis para samin ng anak niya. Hindi pa rin ako susuko na isang araw lahat ng nagmamaliit sayo magsisisi kasama na ako dun.

35 Replies

ramdam ko ang kwento ma. ganyan din asawa ko. tinitiis nya ang gutom, ulan at init may maiiwi lng sa pamilya. mula pp ng mgkakilala kmi pag aahente at driver trabaho n tlga nya. proud ako skanya sa kasipgan nya khit hindi xa perpekto. wala nman ksi perpektong tao.

Saang trucking siya mommy? Si hubby din nagbbyahe sa bataan driver naman siya pahirapan din talaga ang byahe ngayon tapos ang hirap pa kasi prone din sila sa virus. Currently buntis din ako at manganganak na next month sobrang hirap. Hugss to you mamsh. ☺

Same tayo ☺☺swerte tau mabait partner natin kahit minamallit na mapagkumbaba parin.Tapos pag may ipapagawa kahit mahirap gagawin. probs ko lang sa partner ko adik sa ml huhu pero pag busy d naman naglalaro may mga times lang d maiwasan mainis.

VIP Member

swerte ka mommy sa asawa mo, despite nssbihan mo sya ng hindi mganda, ikaw at si baby pdn ang inaalala nia.. nsa sipag ng tao kung anu ang mggng future nia, suportahan mo lang sya malaking bagay n yun.. 😊

Baka naman kasi ambisyosa yung ex gf nya kaya nasabe yon. Btw, iilan nalang ang ganyang asawa, okay na yung hindi man kayamanan pero maalaga at maabilidad. Sana magkawork na regular ang asawa mo! ☺

Isang magandang imahe ng pagiging kabiyak at ama ang pinapakita sa iyo ng partner mo. May panahon na ibibigay ang Diyos para sa kaginhawaan niyo. Big respect to you and your partner.

Makikita mo tlga na mahal ka ng isang tao sa kanyang pagsususmikap,minsan kahit d nakapag tapos , basta nakikita mo masipag at determinado ok na yan..

VIP Member

Swerte mo na mamsh kasi mapagkumbaba yang mister mo di ka niya sinasabayan pag mainit ulo mo o may sinasabi kang di maganda.

Sana all ganyan ka responsible na lalaki kahit hirap sya sa buhay di nya kayubtinalikuran nang magiging anak nyo moms.

grabe naiyak ako sis ganyan din kase ako sa Lip ko hirap ng work nya pero lagi ko pa naaaway kase na e stress ako😔

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles