Guilty
Magbf gf palang kami alam ko na rason bat siya iniwan ng long time gf niya ay dahil wala raw future sakanya. Hindi naman issue sakin yun dahil bago palang kami at wala naman sa pag aasawa ang isip ko. Hanggang sa nabuntis niya ako napapaisip na rin ako na tama nga yung ex niya. Yung estado kasi ng pamilya niya ay parang pag walang nagtrabaho sakanila wala silang makakain wala rin negosyo na pwede pagkakitaan. Nasa punto rin sila ng pati pangbayad ng tubig iuutang pa nila. Ang pamilya naman namin hindi kami mayaman pero hindi kami nakaranas na magutom at may konting luho sa buhay. Dumating ang pandemic walang nagpapagawa ng bahay kaya wala siyang trabaho. Nagkaroon rin kami ng pagkakataon na makilala pa ang isat isa dahil nagsama kami samin mula ng march hanggang june. Sa pakikisama sa pamilya ko walang problema sakanya inuutusan siya sa bahay gagawin niya ng walang pagdabog madalas rin siya pa nagkukusa. June umalis na siya samin dahil kinuha na syang pahinante ng bayaw niya pero hanggang ngayong july hindi pa rin siya binibigyan ng sahod kaya ang ending si mama gumagastos ng mga vitamins,check up, ultra ko at gamit ng bata. Kaya sa sobrang hiya ko kay mama sa dami niyang gastos sakin siya napagbubuntungan ko ng galit. Sinasabihan ko siya ng walang kwenta, na hindi man lang siya tulungan ng pamilya niya sa gastos. Lahat ng masasakit na salita natanggap niya na sakin. Pero pag nalalaman ko kung ano pinagdadaanan nya sa trucking kung saan wala silang ligo, puro late ang pagkain minsan isang beses pa sa isang araw kumain kakahintay makargahan yung truck. Na pag sumasama pakiramdam niya na ultimo gamot na biogesic hindi siya makabili dahil walang wala siyang pera naguguilty ako. Na kahit sa tsinelas niya ipapako niya nalang para magamit niya pa ulit. Na tinitiis niya lahat ng hirap para samin ng anak niya. Para makaipon siya ng pangpanganak ko. Sobrang swerte ko pala sa lalaking to kahit hindi siya mayaman kaya niya magsumikap at magtiis para samin ng anak niya. Hindi pa rin ako susuko na isang araw lahat ng nagmamaliit sayo magsisisi kasama na ako dun.