Random Adviced Needed
Magandang araw mga mamsh ! ( Sana naman this time maapproved na tong post ko ! ) Gusto ko lang sana humingi ng advice ( huwag na magcomment yung mga wala naman matinong maipapayo ) Ito ay tungkol sa ex ng kinakasama ko at sa sustento na dinedemand nung babae , totoo ba ? Totoo ba talaga na nakasaad sa batas kung sino ang nauna siya ang priority ? Kasal na yung babae sa ibang lalaki at may dalawang anak na ito , ngayon yung anak nila ng kinakasama ko last year lang niya kinuha at mag one year pa lang sa kanya sa april . Inabandona niya ang bata para sumama sa lalaki na pinakasalan niya last 2018 ! January 2015 pa sila hiwalay ng kinakasama ko at kahit nung nagsasama pa sila kalaguyo niya na ang lalaki ! Ngayon nagchat yung babae na humihingi ng 2k per week . Jusko lord sino na lang bubuhayin ng kinakasama ko sila ng mga anak niya pati yung asawa niya , at kapag di daw nagbigay ang kinakasama ko ng 2k per week sa baranggay na sila lalapit at magiging 5k na ang hihingiin nila dahil sa danyos daw na di pagbibigay ? siya din daw ang kakampihan dahil siya ang nauna at nanay ng bata ! So paano na lang kami ng 14months old kong anak at sa kasalukuyang buntis pa ko at kabuwanan kona sa bunso ko ? ! Wala daw akong karapatan at siya din daw magdedesisyon magkano mapupunta samin magiina ? bakit may mga babaeng ginagamit ang anak para sa pera bakit ganon ? At eto pa pag nagpakasal pa kami idedemanda daw niya . Jusko mga mamsh need some adviced about this sobrang stress nako pati pagbubuntis ko di ko namalayan overdue nako dahil sa issue nato ???