Inday duda

Madalas na akong magduda lately sa asawa ko. May history na kasi syang nagcheat. Ngayon friend na naman sila sa fb ng ex nya. Ung ex nya naman nag-add at sya din nag unfriend dati after nilang maghiwalay. Kakatapos nga lang namin magtalo about sa pagbubura nya ng mga message sa phone e. Sobrang napapraning na ako. Alam kung di to healthy sakin o sa relasyon namin pero pakiramdam ko, nagchcheat sya ulit. Ung history nya ng pangchcheat sakin is isang beses lang. Well at least un lang alam ko. Pero marami syang naging gf before na inamin nya naman sakin na madalas daw kahit gf niya un e may dinidate pa syang iba. Nakikipagkita lang naman or kakain sa labas or date nga. Di ko na alam gagawin ko. Pilit kong kinakalma sarili ko kasi ang hirap na rin na laging nagiisip. Masakit na sa ulo. Minsan iniisip ko once na mahuli ko sya ulit, hindi na sya makakalapit samin ni baby. As in. Selfish man pero magiging selfish din naman sya kung magcheat sya, diba? May mga nakaexperience na din po ba nito sa inyo, fellow momshies? If so, ano pong ginawa nyo? Please help.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naku ganyan na ganyan din sakin. Ilang beses ko na nga pinalayas, lage ko nalang sinasabe na bahala ka sa buhay mo.. kakayanin kong buhayin itong bata ,hindi ako natatakot baka akala mo di kita maiwan.. yan lage linya ko pag nahuhuli katext si ex. Hanggang sa napagod na ako, sinabe ko sa kanya na gawin ko kaya yang ginagawa mo, makipagkita ako kay ex kahit buntis ako,total di pa halata tiyan ko. para maramdaman mo din ang kawalaang respeto mo. may asawa kana dapat nirerespeto mo ang naramdaman ko. simula nun unti unti na sya nagbago. minsan kailangan mo takutin eh. Kung ayaw naman matakot e di iwan. masaya ang buhay para lang maging malungkot sa mga taong walang kwenta.

Magbasa pa