Inday duda

Madalas na akong magduda lately sa asawa ko. May history na kasi syang nagcheat. Ngayon friend na naman sila sa fb ng ex nya. Ung ex nya naman nag-add at sya din nag unfriend dati after nilang maghiwalay. Kakatapos nga lang namin magtalo about sa pagbubura nya ng mga message sa phone e. Sobrang napapraning na ako. Alam kung di to healthy sakin o sa relasyon namin pero pakiramdam ko, nagchcheat sya ulit. Ung history nya ng pangchcheat sakin is isang beses lang. Well at least un lang alam ko. Pero marami syang naging gf before na inamin nya naman sakin na madalas daw kahit gf niya un e may dinidate pa syang iba. Nakikipagkita lang naman or kakain sa labas or date nga. Di ko na alam gagawin ko. Pilit kong kinakalma sarili ko kasi ang hirap na rin na laging nagiisip. Masakit na sa ulo. Minsan iniisip ko once na mahuli ko sya ulit, hindi na sya makakalapit samin ni baby. As in. Selfish man pero magiging selfish din naman sya kung magcheat sya, diba? May mga nakaexperience na din po ba nito sa inyo, fellow momshies? If so, ano pong ginawa nyo? Please help.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you, kahit di ko pa sya totally asawa. Simula ng malaman na buntis ako, nagsimula na ng kausapin ang ex nya. May app pa na don talaga sila nag-uusap. Hangouts yun! Walang tigil sa pagtatago ng lalaki pagkachat nya ex nya. Yung di nya mabitawan cp nya, takot na mahawakan ko. Pero ilang beses ko naman na nahuhuli, kinikimkim ko lang. Pero di ko rin mapigilan mag-isip. Kasi bakit kailangan pa ng ex kung may kinakasama na sya at nakabuntis na. Tss! Then, chinat ko si girl kung ano meron sakanila. Di naman nya maseen seen. Di talaga maganda sa relasyon namin pag ganyan lalo na sa first baby namin.

Magbasa pa
5y ago

same. bakit kaya nagbabago sila pag nabuntis na mga gf nila ? sakin din, nung 9weeks preggy ako dun din sya nagsimula lumande, balak kitain ung ex nya