Inday duda

Madalas na akong magduda lately sa asawa ko. May history na kasi syang nagcheat. Ngayon friend na naman sila sa fb ng ex nya. Ung ex nya naman nag-add at sya din nag unfriend dati after nilang maghiwalay. Kakatapos nga lang namin magtalo about sa pagbubura nya ng mga message sa phone e. Sobrang napapraning na ako. Alam kung di to healthy sakin o sa relasyon namin pero pakiramdam ko, nagchcheat sya ulit. Ung history nya ng pangchcheat sakin is isang beses lang. Well at least un lang alam ko. Pero marami syang naging gf before na inamin nya naman sakin na madalas daw kahit gf niya un e may dinidate pa syang iba. Nakikipagkita lang naman or kakain sa labas or date nga. Di ko na alam gagawin ko. Pilit kong kinakalma sarili ko kasi ang hirap na rin na laging nagiisip. Masakit na sa ulo. Minsan iniisip ko once na mahuli ko sya ulit, hindi na sya makakalapit samin ni baby. As in. Selfish man pero magiging selfish din naman sya kung magcheat sya, diba? May mga nakaexperience na din po ba nito sa inyo, fellow momshies? If so, ano pong ginawa nyo? Please help.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same tayo sis..ganyan na ganyan nangyare saken.. niblock ko na sa fb ni hubby un ex nya pero 1d naunblock na wala daw siyang ginagawa.. blindfolded trust na lang sis.. alam ko mahirap ibalik un tiwala..ika nga nila girls instinct pag babae kinutuban panigurado may kababalaghan😅.. sbhn mo sa knya na hindi ka komportanle na friend sila ng ex nya..if mahal ka nya aalisin nya un mga bagay na ikaprapraning mo..at ganun nga ginawa ng hubby ko ok na kami ngaun wala ng ikakaselos etc... nasa tao din yan kung gusto magtino.

Magbasa pa