Inday duda

Madalas na akong magduda lately sa asawa ko. May history na kasi syang nagcheat. Ngayon friend na naman sila sa fb ng ex nya. Ung ex nya naman nag-add at sya din nag unfriend dati after nilang maghiwalay. Kakatapos nga lang namin magtalo about sa pagbubura nya ng mga message sa phone e. Sobrang napapraning na ako. Alam kung di to healthy sakin o sa relasyon namin pero pakiramdam ko, nagchcheat sya ulit. Ung history nya ng pangchcheat sakin is isang beses lang. Well at least un lang alam ko. Pero marami syang naging gf before na inamin nya naman sakin na madalas daw kahit gf niya un e may dinidate pa syang iba. Nakikipagkita lang naman or kakain sa labas or date nga. Di ko na alam gagawin ko. Pilit kong kinakalma sarili ko kasi ang hirap na rin na laging nagiisip. Masakit na sa ulo. Minsan iniisip ko once na mahuli ko sya ulit, hindi na sya makakalapit samin ni baby. As in. Selfish man pero magiging selfish din naman sya kung magcheat sya, diba? May mga nakaexperience na din po ba nito sa inyo, fellow momshies? If so, ano pong ginawa nyo? Please help.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap talaga pag nagcheat mga hubby natin pero ang alam ko kung may tiwala tayo kay Lord at naniniwala tayo sa words Niya, tanging ang pagtuturo lamang sa kanya na magkaroon nang takot sa Dios ang makakapigil sa kanya na gawin yon lage.. kaya nga magulo ang buhay natin kasi we are not ruled by the rules of God anymore di ba..? Nagcheat dn hubby ko dati, mahirap yung pabalik.balik sa isip ko ang ginawa niya, pero by the help of God nagkaroon ako na total inner healing..sarap sa pakiramdam if you put The Lord at the center of your relationship...

Magbasa pa