Inday duda

Madalas na akong magduda lately sa asawa ko. May history na kasi syang nagcheat. Ngayon friend na naman sila sa fb ng ex nya. Ung ex nya naman nag-add at sya din nag unfriend dati after nilang maghiwalay. Kakatapos nga lang namin magtalo about sa pagbubura nya ng mga message sa phone e. Sobrang napapraning na ako. Alam kung di to healthy sakin o sa relasyon namin pero pakiramdam ko, nagchcheat sya ulit. Ung history nya ng pangchcheat sakin is isang beses lang. Well at least un lang alam ko. Pero marami syang naging gf before na inamin nya naman sakin na madalas daw kahit gf niya un e may dinidate pa syang iba. Nakikipagkita lang naman or kakain sa labas or date nga. Di ko na alam gagawin ko. Pilit kong kinakalma sarili ko kasi ang hirap na rin na laging nagiisip. Masakit na sa ulo. Minsan iniisip ko once na mahuli ko sya ulit, hindi na sya makakalapit samin ni baby. As in. Selfish man pero magiging selfish din naman sya kung magcheat sya, diba? May mga nakaexperience na din po ba nito sa inyo, fellow momshies? If so, ano pong ginawa nyo? Please help.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku momsh turuan mo leksyon kapag nagkataon na mgcheat sya ulit . Ung partner ko takot magcheat kase lage ko sinasabe na kung di na nya ko mahal hiwalayan nya ko ng maayos kase kung mahl nya nmn ako at gusto nya lng ng ka fling tapos mahuhuli ko sya hinding hindi nya na ko makikita kasama ng magging anak nya . Alam nya kase na hindi ako mabilis magpatawad at hindi ako ngbibiro sa mga salitang binibitawan ko ☺ ayun pag my nagchat na girl ako pinapareply na at nka update sya sakin lage 😅😅

Magbasa pa