Hurt

Mababaw ba yung dahilan ko mga mommies? Hindi pa kami kasal pero may anak na kami. Niloko nya na ako noon nung buntis pa ako pero pinalampas ko yun and now 6 months na ang anak namin. Medyo di sya nagchachat sakin at napapansin ko yun. Kakaopen ko lang ng account nya kanina at nakita ko na nagchat yung BestFriend nya ngayon pero first love nya noon ng "Bakit?" pagkaopen ko wala ng ibang chat at halatadong binura nya ang convo. nila. Pinalitan nya pa ang name ng best friend nya ng nickname na "ampang". I cannot help myself but to chat her also at marami akong sinabi na hurtful words. Nanghina na lang talaga ako at sobrang sakit. Mag-4 years na kami dis december. Hindi ko na alam ang gagawin ko talagang sobrang galit ako sa kanya pati sa babae na yun kasi alam nya naman na may anak na kami. Ang hirap mga momshie. Naluluha na lang ako ngayon at pinipigilan kong maluha kasi ayaw kong makita ako ng papa ko na umiiyak ako.

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Si partner niyo po yung kausapin niyo about jan. Wala namang di naayos sa masinsinang usap. Make sure lang na pagnagkausap kayo parehas kayong kalmado, kasi mas lalo kayong di magkakasundo at magkakaintindihan. Linawin mo lahat kung ano ba talaga ang plano niya para sainyo ni baby at sa family na binubuo niyo at sabihin mo lahat ng mga nararamdaman mo, issues, worries at kung saan ka hindi komportable. Kung talagang mahal kayo ng partner mo, siya mismo ang kusang magbabago at gagawa ng paraan para maayos kayo at madiretso yung landas. Ipagpray niyo din po si partner mo at ang family niyo. Wag mo munang sukuan, hanggat kayo niyo pang ayusin magasawa at mapagusapan, gawin niyo po. And, wag mo na po kakausapin uli yung babae, mas lalo lang yan kakapit sa asawa mo, magfifeeling entitled yan. Sa partner mo ikaw magalit at siya kausapin mo. Believe me, been there done that. Kaya mo yan momsh. God bless you!

Magbasa pa