postpartum ba to?
Share ko lang mga momsh. Nalulungkot kasi ako at naiistress. Kapapanganak ko lang ng dec 22. At hanggang ngayon wala pa din trabaho hubby ko. Although nakakaraos naman sa padala ng papa nya galing abroad saka may balak naman din syang maghanap ng trabaho. Naiistress lang ako kasi parang wala pa sa isip nya yung pag aasawa. Alam mo yung feeling na pag mulat ng mata nya mobile games agad cp agad ichecheck. Maghapon nya hawak yun bibitawan lang pag maliligo at kung matutulog na. Minsan pati pagkain laro pa din hindi man lang dalian ang pagkain para matulungan nya naman ako sa pag alaga at makakain din ako ng maayos. Naasahan ko naman sya kay baby pero hindi 100% attention nya nandun, naglalaro habang nagbabantay. Hindi man lang kausapin o lingunin yung anak kung naglungad o ano. Pati pag cr dala nya yun. Jusko!!! Naiinis din ako dahil hindi nya man lang ako iapproach chikahin, alaga lang ako ng alaga ganun. Tapos chat chat sya dun sa mga kalaro nya. Alam mo yun walang kusang palo, walang initiative. Tapos one time sinabihan nya pa kong OA daw ako kasi lahat ng napapansin ko sa anak namin nawoworry ako. Hayys. Pero minsan sinasabi nya din naman sakin na naiistress daw sya sa pag iisip ng gastusin ni baby lao na pagbibinyag at 1st bday kahit malayo layo pa yun. Diko alam kung postpartum ba to o nakakainis lang talaga sya. ??