Buhay OFW

Long story ahead. Thank you na lng sa mga magttyagng magbasa. I really need you advice mga mommies. Mga mommies dyan na nagwowork malayo sa baby nila... advice naman oh. Soon babalik na ako work ang baby ko 5 months old pa lang. Ever since pinanganak ko sya never pa kaming naghihiwalay mahaba na yung 2 hrs na nde ko sya nakikita at nahahawakan. Exclusive breastfed ang baby ko I tried i train sya sa bottle feed at formula pero ayaw nya tlga nag aalala na ako pano na pagbabalik na ako work? Ano po bang mga tips nyo mga mommies para tanggapin na baby ang bottle? Pero ang problema ko tlga kung kakayanin ko ba...nakakadepress mga mommies minsan nde na ako nakakatulog sa gabi umiiyak nlng ako nakatingim sa baby ko habang tulog sya iniisip na someday nde ko sya makakatabi matulog, mayayakap o mapapatahan pag iiyK sya. Wala naman may gusto mawalay sa anak eh lalo na ang ina pero pano ko naman mabbgyan ng bright future anak ko...

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Medyo mahirap na nga kung 5months na direct latch si baby. Based sa experiences ng mga friends ko kasi nag-aask din ako bilang magwowork din ako in the future, better yung pigeon peristaltic na teats kasi similar daw sa nipple. Tapos wag ikaw yung magooffer ng milk dapat ibang tao kasi maaamoy ka niya at mas ipeprefer niya yung boobies mo. Iiyak at iiyak daw talaga si baby pero need tiisin kasi pag nagutom siya no choice siya kundi inumin yung nasa bote. Yung iba naman cup feeding yung ginagawa.

Magbasa pa
VIP Member

Na try niyo na po ba ung Pigeon peristaltic na bottle? Yun lang kasi naging effective sa baby ko nun, ayaw talaga niya magdede sa bottle kahit milk ko nakalagay. Kung wala talaga choice na umalis mommy, tiis nalang po muna para naman kay baby un. Ipon nalang din siguro para no need na umalis next time :)

Magbasa pa
5y ago

Ok po. Sana dumede na si baby sa bottle :)

I feel you momshie, ang hirap ng ganyan pero if para naman sa future ni baby need natin maging strong.. Try mo po ung comotomo na bottle.. Silicon type ung pinakabottle nya bka umepek kay baby.. Godbless po sa inyo.

Mommy, hindi ba pwedeng dito ka na lang sa pinas maghanap ng work? Nafeel ko kaagad yung longing mo sa baby mo, nakaka sad.

Mahirap, kz d k halos mkakapag focus... Kng pwd dto nlng mgwork pra kasama xa

VIP Member

..kung dito nlng po muna kayo magwork ..kawawa namn c baby kung iiwan ..

TapFluencer

Kung ako tatanungin, work muna ako dito sa pinas. OFW mama ko. And I felt resentment nung nagabroad sya. Kasi di na nya ako binalikan, iniisio ko sana hindi nalang sya nagabroad. 4 years old ako nun. Ngayon may sarili na ako pamilya. Gusto ko mag-abroad oo, pero siguro pag malaki na bunso ko kasi ayokong ma-feel nya yung naramdaman kong lungkot nung bata pa ako. Ayokong mafeel na paguwi ko sa pinas stranger na ako sa kanya.

Magbasa pa
VIP Member

Mahirap nga yan mommy! I tried working too overseas hindi naman ako umabot ng taon siguro a month or two kasi my mom needs my help and exclusive breastfeeding din ako sa panganay ko nun na 1yr old that time pero dahil need ko rin I got the job and naiwan sa mister ko ung anak ko, sobrang hirap. Ung ilang buwan na tinagal ko never syang dumede sa bottle but atleast nakakain naman na sya ng solid food so nakakabawi naman. But on your situation mommy, sobrang hirap if you work overseas and leave your child. Pero sabi mo nga for brighter future. Wala naman tayo hinangad na di maganda sa mga anak natin, don’t mind me asking mommy if nasan si hubby? If working naman sya better to stay with lo lalo na kamo 5mos palang or wait until he/she turns 6mos para she’s ready to eat solid foods in that way you can introduce her to formula milk, if hindi ka naman overseas mag-work sis pump ka nalang kasi best pa rin ang milk natin. 😊😊 hope nakatulong tong advice ko kahit papano hehehehe.

Magbasa pa
5y ago

Seaman kasi ang hubby ko...at ako rn seawoman. Umalis si hubby 7 months pregnant palang ako. Malapit na rn naman sya uuwi pero yun nga kagaya kami saglit lng bakasyon namin. Tinry ko na lahat ng bottle ayaw nya pa rn. Pero ittry ko na iba mag bibigay.