MY BIRTH STORY (Long post)

EDD: JAN 13, 2020 DOB: JAN 14, 2020 Finally, I have my birth story to share with you. ? Dati dati nagbabasa lang ako ng birth stories ng mommies dito ngayon ako naman mag-share ng sakin. ? When I reached my 37th week, weekly na ko may appointment sa ob to check if i'm dilating. From my 39th week, sobrang worried na ko kasi malapit na yung due date ko and wala parin akong nafifeel na any contractions. Jan 13, EDD ko and may appointment ako sa ob. My OB checked kung ilang cm na ko on my 40th week and guess what, 0cm parin ako. Sabi ng ob ko pwede parin naman daw kami maghintay hanggang 41st week but there's a possibility ng makakain ng poop si baby sa loob. So, bilang nanay ayoko mangyari yun kaya ayoko na paabutin ng 41st week. My ob scheduled me to be induced at 7am the day after my appointment (that's Jan 14). Without hesitation, I agreed. She also prescribed a castor oil that i'll take the night of Jan 13th to see if i will experience contractions. Jan 14, 2:30am, nagising ako coz i feel the urge to pee. After ko umihi, naramdaman ko na parang sumasakit yung tiyan ko pero dedma lang. Sinubukan ko matulog pero di na ko pinapatulog ng pasulpot sulpot na sakit ng tiyan ko. What I did is I tried to time contractions and it's 5mins interval. So mga past 3am nanggising na ko ng mga tao sa bahay tapos naligo na ko. After ko mag-prepare umalis na kami papuntang hospital. Nararamdaman ko yung contractions pero tolerable naman. Kwentuhan at tawanan pa kami ng sister ko habang papunta sa Delivery room. Pagdating sa DR in-approach kami ng nurse tapos ang sabi ng sister ko na naglalabor na ko pero parang di naniwala yung nurse kasi nagtatawanan pa kami. She handed me the form to fill up and after that pinapasok na ko sa loob ng labor room to change and to do IE. By 6am, I was with my sister sa room, pag check sakin i'm 4cm dilated na and no need to induce me. Sabi ng nurse "Wow ma'am 4cm na po kayo pero nakakangiti at nakakatawa pa kayo" that gave me the thought na mataas nga talaga siguro tolerance ko sa pain kaya yung utak at katawan ko nakaset na for a Normal Delivery. Pumasok yung anaesthesiologist asking kung magpapa-epidural daw ako and may form akong kailangan i-fill up. I hesitated. Sabi ko parang kakayanin ko naman but also asked her kung hanggang ilang cm ako pwede magpa epidural sabi nya anytime naman daw at pwede rin magpadagdag ulit if it worn off. Sabi ng sister ko masakit na daw pag pumutok na yung panubigan. So sabi ko baka pag pumutok nalang yung panubigan ko saka ako magpapaepidural. And we agreed. So 5cm, 6cm, 7cm went by at nararamdaman ko na yung pain. Hahaha! Masakit pala mga momsh! ??? So 7cm kahit hindi pa naputok panubigan ko, nagpa-epidural na ko. After ko magpa-epidural, nakatulog pa ko. Power nap kumbaga para may lakas nag-push. Ginising nila ko para i-IE pag check 7cm parin. Na-stuck ako sa 7cm. My OB came in and I was told na delikado na at bumababa heartbeat ni baby ko. Sabi nya possible ako ma-CS if after an hour di parin ako nag-dilate. My sister and I were shocked. Pumikit nalang ako at nagdasal habang nagwoworn off na yung anaesthesia. After an hour, chineck nila kung nag-dilate ba ko. AND YES!!! Nag 8cm ako at pumutok na yung panubigan ko. ? Ang saya saya ko kasi naging si Lord at nakisama baby ko. Sabi ni OB very good, dapat daw tuloy tuloy na at bawal na ma-stuck ako sa 8cm kundi ECS na talaga ko. I prayed harder na kayanin namin ng baby ko at mairaos namin ito via Normal Delivery. After 30mins, they checked me again 9.2cm na ko. Mangiyak ngiyak na ko sa pamimilipit. Ang sakit sakit parang matatae ka. And yes mommies! Ilang beses akong nakapoop during labor. Hahaha! So ayun, derecho na ko sa paanakan practice saglit magpush hanggang mag10cm. Pagka10cm and nagcontract ako ng matindi, sabay ire! Tatlong beses kong pinush si baby and wala pang 5mins lumabas na sya. THANK GOD talaga!!! We're both safe and my baby's healthy. ??? Thank you sa app na to and sa mga mommies na nag share ng birth story nila. Lumakas yung loob ko. ? Women's body are truly amazing. Wag po tayo matakot kasi our body is designed to bear a child. Good luck sa mga mommies na malapit na rin manganak. Kayang kaya nyo yan. Pray lagi. ?? Meet my Little one COBY

MY BIRTH STORY (Long post)
50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Grabe no, wala tlga kasiguraduhan kung normal ka or ecs. Tsk. All we can do is hope and pray na sana everything goes well, ung tipong magdilate ka kagad, you reach 10cm as quickly as possible, and walang kain pupu or nakapulupot na cord na mangyari, etc. Pray, pray, pray! Lord sana kayanin namin ni baby! 5 months to go, Team July!

Magbasa pa
5y ago

Totoo mommy di natin alam ano pwede mangyari pero pray lang mommy! Kayang kaya mo yan. 😊

Congrats po. I'm a worried mom din po I'm on my 39 week and 4 days but still close pa din Ang cervix at 0 cm padin . Ayoko po ma cs pero Nag woworry na din po ako Kasi baka maka Kain Ng poop si baby niresetahan Lang ako ng evening primrose pampabukas ng cervix pero sa Friday pa ang sched ko Kay ob Sana open na .

Magbasa pa
5y ago

Pray lang mommy! Kayang kaya mo yan. 😊💪

Congrats 👏 Loving your baby and your birth story. Thanks for sharing naka due na din ako mejo worried nako na baka diko kayanin normal. Hope it will be piece of cake like yours 🥰

Nakaka inspired naman birth story mo momsh 😊 ako sa May 14 pa ung EDD ko... Sana tlaga mairaos ko din ng normal si baby 💜 By the way ang cute ni baby mo momsh 😊😍 Congrats!

Magbasa pa
5y ago

Thank you momsh! 💖

Hi mommy. Worried nadin po ako Feb 16 due closed cervix padin. Ask ko lang po, orally niyo po ba tinake yung castor oil?

Congrats po. And salamat sa story nyo nakakalakas NG loob.. waiting na po ako manganak 38weeks and 4days Napo me ..

thank you for sharing nakakatuwang basahin itong birth story mo. light lang basahin. congratulations sis sa baby mo.

5y ago

Thank you po. 😊

Ako Sana May cm na ako pag ka 3weekss 🙏 36 and 1days nalang ako eh ftm 😭 Btw Congrats sis ❤️

Magbasa pa
5y ago

Me too ftm. :) Kayang kaya mo yan mommy! Pray lagi. :)

VIP Member

congrats momsh! 1cm na ako since 35weeks. now 36weeks ko na. sana mainormal delivery ko din 🙏

5y ago

Wow! Lapit na yan mommy! Pray lang po. 😊

Congrats po ♥️ same tayo EDD sis pero lumabas si bb week earlier. Jan6 😁