Patabain mo si baby
Long post po Share ko lang. Ang sikip sa dibdib e. Sa sobrang active ng hubby ko sa fb, halos everyday may post syang pic kay baby. Nung buntis pa lang ako napag usapan na namin about sns, ako kasi okay lang mag post ng picture ni baby pero ayoko yung halos araw araw kasi baka ayaw naman ni baby kasi in the future baka magulantang sya na kalat sa fb every milestone nya. Sabi naman ni hubby okay lang din naman para may matitignan si baby na mga pictures paglaki. So now 5 months na si baby and kung dati halos everyday magpost si hubby ng pics (effect din ng quarantine, since nasa bahay lang si baby ang napaglaruan π ) ngayon madalang na lang, once a week. Nagpost si hubby ng pic ni baby and nag comment yung pinsan nya na "patabain mo si baby gaya neto" tas may attached na pic ng anak nya nung baby pa lang. Unang reaction ko, syempre nagalit. Ano bang problema sa anak ko? Payat ba masyado? Bat nya pinansin size ni baby? Kailangan ba talaga mag comment ng ganun? Concern ba sya? Gusto ba nya sya na mag alaga? Sabi ko kay hubby bat ganun yung pinsan nya, ang sabi ni hubby "matangkad kasi baby natin, pahaba yung paglaki hindi pataba" sabi ko "di pa din tama mag comment ng ganun, kaya ayoko ng ganto e (referring to posting pictures of my baby)" tas ang sabi ni hubby wala naman daw syang nakitang masama sa comment. So tumahimik na ako, then do the usual pambahay routine. Habang naghuhugas ako ng pinagkainan umiiyak ako, ang daming pumasok sa isip ko about sa size ni baby. Dahil ba di sya breastfeed kaya di sya ganun kataba? Dapat ba inalagaan ko ng mas mabuti yung katawan ko while pregnant? Dapat ba sumunod ako sa mga sinasabi nila na mag quit sa job nung nabuntis para maalagaan yung sarili? Dapat ba pinush ko ng sobra pa yung breastfeeding? Kaso ano pa magagawa ko? Wala talagang gatas, maybe due to stress during pregnancy and after pregnancy. Ginagawa ko naman lahat kay baby since wala akong gatas, check ups, vitamins, interaction kay baby. Needs nya nabibigay ko naman sobra pa minsan. Nakakadown lang talaga makabasa ng ganun. Ano pa kaya madadaanan kong puna kay baby while growing up sya? Lord give me strength! π Grabe emotions ko ngayon, di ko alam kung oa lang ba ako or what, nakakatakot mag labas ng saloobin sa mga kakilala, minsan kasi sa kanila ko nararamdaman yung disappointment. At least pag di ko kilala madaling kalimutan. Any momsh na nakaramdam neto? Ano pong ginawa nyo and paano ba kontrolin yung emotions lalo na pag si baby ang pinag uusapan PS. Di ako nag reply sa comment nung pinsan ni hubby, thinking na concern lang talaga sya sa baby (pampalubag loob sa sarili ko)