Share ko lang experience ko as a 1st time mom of 6month old baby

Magrarant lang ako like sobrang nakakainis mga kamag-anak ni hubby, they are invading our personal space na. This morning kasi bale kakagising ko lang talaga and si baby then naririnig ko na sila kumakatok.. kaya nga kami bumukod e. Intindi ko naman yung concern nila sa baby ko and i really appreciate it kaso wag naman sa point na ganun.. kahit food ni baby pinapakelaman nila, pinatikim ba naman ng lollipop e halos natututo palang kumain ng solids si baby, tpos yung squash sa pinakbet e diba may additives pa yon? Tpos yung sister ni hubby kakagising lang kung makakiss sa anak ko ang baho ng hininga di ba nya amoy yung sarili nya kaya minsan pinapadaan ko kay hubby na mgtooth brush muna kahit para talaga kay sis in law yun. Ang lagay kasi e pag ngsalita ako ng against sa gusto nila ako pa yung masama πŸ˜‘

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy it's your right to set boundaries lalo na months pa lang si baby. Wag mong intindihin ang galit nila. Ang isipin mo is si baby. Mahirap pag si baby ang may sakit sa panahon ngayon. Recently dito sa area namin halos mga infants ang mga na aadmit sa hospital dahil sa sipon at ubo na nauwi sa pneumonia. At wag kang magsasawang ipa intindi kay hubby kung ano ang dapat at hindi dapat para sa baby. Ikaw ang nanay kaya dapat ikaw ang masunod.

Magbasa pa