Meet my baby Jude Tyrell
Long post ahead, & super late post. EDD: Aug3 DOB: Aug7 My baby was still floating @39th week. 40th week based sa utz ko, matured na placenta ko w/c needed a hospital monitoring & ang cord nya ay nasa tabi ng leeg & may tendency na mapulupot si baby if maglilikot pa sya. Matured placenta may result to lower blood supply kay baby. Aug 7 induce lng ako dapat para to open my cervix kaso ang BP ko na 160 over something ayaw bumaba at bigla namanas mga paa. Ayun na-uwi sa emergency CS. Before the operation may tinurok sa akin na anti-convulsion w/c is super init sa katawan. Ung epidural sa likod for me was not painful, tolerable sya compared sa injection ko sa pwet na anti-convulsion. Ewan ko pero parang nagka-anxiety ako during that day kc ayaw bumaba ng BP ko at ung anesthesia na tinurok sa likod ko eh ambilis nawala. I can feel na hinihiwa ni OB tyan ko at masakit sya. I was crying the whole time at minadali ko sila matapos. The anesthesiologist injected a local anesthesia sa IV ko & even pampatulog pero wala gising ako & was still crying. Nailabas si baby weighing 3.055kg & napulupot na nga sya ng cord nya. We don't have the first yakap kc ang new mom ay umiiyak sa sakit at anxiety.