Unsettling dreams

Long post ahead mga moms... Just want to share kung ano nangyaysri sakin lately. I'm on my 30 weeks now expecting a baby girl. Ang hirap makatulog lalo na sa mainit na panahon pero madalas di ito ang reason kasi lagi akong nananaginip ng lalaking parang anino or usok na itim na nagbabantay nakapanuod sakin lagi habang natutulog. Ilang beses ko na napapanaginipan ito at lately lagi na akong natatakot pumunta ng banyo kasi mas napapanlaw ako sa kusina dun tumataas balahibo sa batok ko pagdadaanan ko papuntang banyo. Kaya minsan umiihi na talaga ako habang may ilaw pa. It started last December 2019 nung umuwi ako sa province namin at nakasalamuha ko ung lolo kong manggagamot or albularyo lagi kasi akong nagpapasuob kahit san ako makarating kasi gagalawin ako at that time at laging parang tinarangkaso pakiramdam ko. Pinulsuhan niya ako nun at tinitigan sa mata ang sabi niya di na daw biro nangyayari sakin. May nagaalaga daw sakin na nakatira sa loob ng bahay particularly sa dulo ng kusina namin which is ung dulong back door namin dun na katapat din ng pinto ng banyo. Matagal na daw ako inaalagaan nung elemento na un na malaking lalaki dahil natutuwa sakin kaya daw pala mataba at makinis ako nun pero nagbago kasi lahat lalo na nung nagkaboyfriend ako sunod sunod na buwan nagkakasakit ako at naadmit sa ospital hanggang sa pumayat ako akala nga nina mama may malalang sakit na ako kasi from 56kgs within 4 months after ko magkanobyo bumagsak ng 40kgs ung weight ko. So ginawa ng lolo ko binigyan akong tanso na proteksyon lagi ko sinasabit sa paanan ng kama ko at may kasiping akong bible pero di parin naaalis ung takot ko kasi nung umuwi ako after namin malaman ung situation ko sunod sunod na may kakaiba dito sa bahay may instance na nagigising akong madaling araw na umuuga ako ng solo then pag nagising ako parang sleep paralysis nakakatakot. Then di ko alam na preggy na pala ako akala ko irreg lang last feb. naadmit ako sa ospital kasi sumusuka ako ng tubig sabi stomach fluid daw kaya mapait. Then bago ako iadmit nagpahilot muna ako nun pero nagend up na suob na. Ang nakakatakot sa part na ung is tugma ung sinabi ng lolo ko sa sinabi niya na may malaking lalaki which is elemento na nanggagalaw sakin tas kinapitan nung babae ung hita ko at tinanong kung sumasakit un sabi ko madalas talaga mabigat pakiramdam ko. Sabi niya pinapahirapan daw ako nito at dinadaganan kasi gusto na ako kunin or inaasawa ganun. Back to my situation, natigil un ng ilang months after ko maadmit nung feb pero this month lang bumalik na naman sya after ko magpaultrasound lalo pa nung nalaman kong baby girl dinadala ko sa boyfriend ko. This really worries me alot gusto ko din magpasuob soon.

5 Replies

Sis same situation ng kaworkmate ko,meron din sumusunod saknya na itim na usok na lalaki. Meron kasi sya third eye. Ang ginawa nya is nagpaalbularyo at binigyan sya ng kwentas. Sya din sa bahay nila mdami din nakatira meron pa nga magkasama kmi bigla sya mananajimik it means may kasama kami. Sis If I were you aalis muna ako sa bahay nyo. At magdadasal ng maigi kasi ayun tlga ang best weapon.

Nakakatakot naman Yan mommy , masabuti if doon ka muna sa probinsya habang buntis ka para atleast panatag at safe kayo ni baby mo..you need to pray always and as guidance Kay Lord.Ingat po kayo

Just the read the bible momsh meditate lng and always pray yung mga msasamang espirito takot yan kapag ka alam nilang malakas faith mo sa taas. 🙏

Mag dasal ka po at manalig sa Dios, mag rebuke ka din po at magbasa ng bible. There is power in the Name of Jesus!

VIP Member

Pagamot kapo sa lolo mong albularyo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles