Emergency CS

LMP: 02-26-19 EDD: Dec.03, 2019 Born: Nov.08, 2019 36 weeks and 3 days ko po sya naipanganak elevated na daw po ung umbilical cord nya kaya need na nya lumabas kasi may tendency makatae na sya loob ng tyan ko... sobrang sakit sa isang magulang na kagaya ko makita ang anak ko na nakaganyan ilang araw nako umiiyak kaiisip sakanya kahit binibisita ko sya sa NICU everyday hindi ko kayang makita ang anak ko na naka ganyan na parang nahihirapan siya ? please pray for my baby mga mommies for faster and better recovery ilang araw na po sya nasa NICU since nung naipanganak ko sya at nasa incubator na po sya ngaun at ginagawa ko best ko magpump ng breastmilk ko para sakanya para mafeed na sya.. any recommendations po para lumakas po yung breastmilk ko hirap din po ako magcollect ng breastmilk ? ngaun nakauwi na ako si baby nasa hospital pa ang hirap malayo sa anak ko gusto ko nasa tabi ko nalang sya palagi first baby ko sya

Emergency CS
236 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pump lng po every 2-3hrs yan po best recommendation ng nurse at doctor. Para masanay ang dede na malakas parin ang demand kaya magsusupply ng maraming gatas. Kain ng masabaw, more tubig at malunggay capsule. Best na gamot ang breastmilk. Dont worry mommy kayang kaya yan ni baby mo, always pray lng. Sabi ng doctor ng baby ko dati eh keep praying.. Baby ko din 36wks and 5days nag stay ng 20days sa PICU (hnd daw pwde sa NICU baby ko kc trasfer lng from hospital though that time ng maconfine baby ko eh 1day old pa lng sya). Yun nadala sa dasal at nakauwi kami before mag 1month si baby.. kaya pray ka lng mommy..

Magbasa pa