Emergency CS

LMP: 02-26-19 EDD: Dec.03, 2019 Born: Nov.08, 2019 36 weeks and 3 days ko po sya naipanganak elevated na daw po ung umbilical cord nya kaya need na nya lumabas kasi may tendency makatae na sya loob ng tyan ko... sobrang sakit sa isang magulang na kagaya ko makita ang anak ko na nakaganyan ilang araw nako umiiyak kaiisip sakanya kahit binibisita ko sya sa NICU everyday hindi ko kayang makita ang anak ko na naka ganyan na parang nahihirapan siya ? please pray for my baby mga mommies for faster and better recovery ilang araw na po sya nasa NICU since nung naipanganak ko sya at nasa incubator na po sya ngaun at ginagawa ko best ko magpump ng breastmilk ko para sakanya para mafeed na sya.. any recommendations po para lumakas po yung breastmilk ko hirap din po ako magcollect ng breastmilk ? ngaun nakauwi na ako si baby nasa hospital pa ang hirap malayo sa anak ko gusto ko nasa tabi ko nalang sya palagi first baby ko sya

Emergency CS
236 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy.. Halos same tayo ng situation. Si baby ko nagkasepsis pa at low birth weight. Kakalabas lang nya last wed. I know the feeling mommy, pero hanggat maari wag kang iiyak pag nasa nicu. Be strong. Kailangan laging happy vibes mo sa nicu kasi nararamdaman nya yun. Kaya mo yan mommy. Nakaya ko kaya alam ko kaya mo din. Sending hugs

Magbasa pa
5y ago

Thank you po 😭

Keep hydrated mommy huwag k masyado magiiyak nakaka dehydrate din kasi yan lalo at gustong gusto niyo po lumakas ang gatas malunggay momm ang madalas mong kainin masasabaw and lots of water yalaga para talagang hydrated kapo. Getwell for you baby. Sana makarecover napo siya ng mabilis and in jesus name gagaling nasiya😊

Magbasa pa

Be positive lang mommy :) kaya yan ni baby... May kakilala nga ako, emergency CS ng 34 weeks bcoz nag pre eclampsia sya, ang liit lng ng bby nya at nka incubate din, after a week nka uwi na si bby ksi fighting si bby malakas uminom ng milk khit kunting kunti lng ma.pump ng mommy nya :)

Sa andoks po may M2 concentrated na drinks (malunggay okra luya). Inom din po kayo malunggay capsule like pro lacta or mega malunggay. If may bilihan po kayo diyan ng mga shell higop po kayo sabaw nun. Milo din po. Warm water din para mas madali let down ng gatas.

Be brave mommy.. Be strong need ka ni baby. Para dumami ang milk mo dapat lagi may sabaw ulam mo. Inom ka gatas tsaka kumain ka ng masusustansya para madede ni baby yun. Tapos magtake ka malunggay capsule. Kain ka din ng malunggay. Palakas kayo magmommy. Godbless

Pray lang po mamsh at bisitahin niyo po lagi c baby then kausapin mo po sya mamsh dull recovery ganyan n ganyan aq nun nung nasa nicu baby q 1week din sya na nasa nicu and praise the lord 1 month ba baby q ngayon πŸ™πŸ™ kaya pray lang mamsh

stay strong lang po kase ramdam ka din ni baby mo.. search mo riri's world sa fb super dami nya advice pampaboost ng breast milk.. Lord God please heal this baby and keep him healthy, in Jesus name we pray and believe in you amen.

God bless you babyπŸ™πŸ™ 36 weeks din po ako n emergency cs dahil namn po sa pre empclamsia, but we are trully blessed kc napaka healthy po ni baby girl koπŸ™πŸ™πŸ˜ two mons na po kami sa 16th, pray lang po and your lo will be fine❀

Wag po kayong umuwi mommy...stay lang po kayo sa hospital para lagi niyo mabigyan bm ang anak niyo..kasi pag sa gov hospital bawal fm..bm lang binibigay nila sa mga baby pag naubusan sila minsan..glucose binibigay nila..

mag sabaw po kayo ng papaya w/ malunggay effective momsh. 1st time momsh din po ako mahina din milk ko nung nasa hospital kami pero nabawi nung pinag luluto ako ng nanay ko ng papaya kaya biglang dami din ng gatas ko..