Long post ahead. Una, kailangan mo ipag pray.. ihingi mo ng tulong sa Diyos, na bigyan ka na kalakasan at wisdom para matimbang ang bagay bagay. 2nd, tama ka sa point na magbalik alindog ka. pagpatuloy mo lang yun..samahan mo na rin ng masmaging maasikaso ka, though nasa point ka ng frustration dahil sa paulit ulit na ginagawa nyang pagloloko, try mo ibahin approach mo, Iwasan mo mag bunganga, magsumbat, palitan mo ng pagaasikaso, lambing at mahabang pasensya. higit sa lahat, masmaging malandi ka pa sa asawa mo. bakit pa siya maghahanap ng iba kung ikaw na kokompleto sa pangangailangan niya? 3rd, kasal ba kayo? kung Oo, nasayo lahat ng karapatan kung totoong may kabit asawa mo, kung hindi kayo kasal, nsayo rin kung kakapit ka pa sa relasyon nyo o hindi kung iniisip mo mga kapakanan ng mga bata. 4th, may sarili ka bang source of income?, kasi kung meron, minsan ang lalaki, malakas lang ang loob na magloko kung pakiramdam niya na masyadong dependent ang babae masyado sa kanya. Pero kung kaya mabuhay ng babae na di umaasa sa lalaki, kakabahan yun magloko. kasi kahit anong oras kaya mo siyang layasan o hiwalayan kapag may sarili kang pinagkakakitaan. 5th, nasayo kung hihiwalayan mo siya o kakapit ka pa, nasayo rin kung makikipagkompetensya ka sa kabit niya kung totoo man, higitan mo kaya ibigay ng kabit, naghihintay lang yung kabit na bitawan mo asawa mo. let me share about me.. 5years din ako nangonsumisyon sa asawa ko. ang mganda lang walang issue ng pambabae, muntik lang, naagapan ko agad bago pa mangyari. madalas lang namin pag awayan ay ang hindi niya pag sunod sa mga napgkakasunduan namin. Maraming beses ko na siya binalak layasan. ang pumipigil lang sakin palagi ay ang anak ko. katulad mo, ayaw ko din lumaki anak ko na broken ang family niya. Sa pagod ko, Pinagdasal ko. then iniba ko ang approach. mas naging maasikaso pa ako, mapagpasensya, iniwasan ko na yung manumbat ng mga kasalanan niya at higit sa lhat, mas naging karinyosa pa ako sa asawa ko. may nagbago naman sa kanya. but not totally, so nung nasa point na ako na kaya ko na siyang iwanan, sinabi ko sa kanya na, tinatancha ko na kung kaya ko ng buhayin mag isa ang anak namin. that very moment, biglang yakap talga asawa ko sakin.. dahil siya mismo alam niya na desidido na ko at kaya ko naman tlga financially. that time din, hindi sumbat ang ginawa ko kundi verse ng bible ang sumampal sa kanya, sabi ko, " Papa, sabi sa bible, husband love your wife. Wife submit to your husband, Yung submission hindi ibig sabihin na magiging under ako sayo kundi willingness to follow, willing naman ako sumunod sayo, pero paano mo masasabi na husband love your wife kung araw araw nangungunsumisyon ako sayo?" And fast forward, 7years later, 7taon na kaming walang away. mas naging malambing siya sakin, umuuwi ng maaga, mas naging maasikaso rin siya, lalo na yung namatayan kami ng pangalawang anak at na depress ako, maslalo ko naramdaman presence ng asawa ko. kung hindi dahil siguro sa effort, love at support ng asawa ko baka nawala nako sa katinuan. lastly mommy, babae ka. Ang babae, malakas at matapang. walang hindi kayang gawin lalo na sa kapakanan ng mga anak. Its your family, its your choice and decision. here's a tight virtual hug for you mommy. π
mommy, produkto po ako ng broken fam. yung parents ko po naghiwalay dahil sa cheating. una yung father ko. nambababae and then gumanti yung mother ko. naghanap sya ng iba. pinili naming magkakapatid na sumama sa mga lola namin. ako at yung pangalawa kong kapatid sa lola namin sa father side while yung bunso naman namin is sa lola namin sa mother side. naging maayos naman po kaming magkakapatid. nakakapag aral yung 2 kong mas nakakabatang kapatid at ako eto ngayon may sariling pamilya na. bilang anak, masasabi ko na masakit makagisnan na ganun yung nangyayari sa mga magulang mo. mas okay sakin na naghiwalay na lang sila noon kaysa araw araw namin nasasaksihan magkakapatid yung away nila at may mga time na nagkakasakitan sila physically. sobrang trauma non para sa mga kapatid ko. pero kinaya namin. you and your kids deserve better po. tama yung ibang mommies na nagcocomment dito, hindi na po magbabago yang asawa nyo kahit ilang anak pa ang ibigay mo sakanya at kahit paulit ulit mo pa po syang patawarin. pati yung respeto at pagmamahal mo na sana para sa sarili mo na lang, mawawala pa dahil lang sa pagmamahal mo sa kanya. alam ko po mahirap pero mas mahirap kung habang buhay mong pakikisamahan yung ganyang klase ng asawa. kaya nyo po yan. God bless mommy
You deserve better life! Hindi sagot ang pagdagdag ng anak para mabago mo ang asawa mo! In the first place he doesn't love you. Kasi ang taong nagmamahal hindi uulit-ulitin ang panloloko! Paano ka nakakasigurado na wala siya babae at the time na buntis ka?Can't you see the pattern? Malalaman mo na cheater siya then mabuntis ka then nanganak ka then nagcheat ulit tapos nabuntis ka ulit then nanganak ka and then what's next???how long you will need to do that to you and to the innocent ones. :( nakaka sad to think na ang paggawa ng baby ang sagot mo for him to stay. Makabuo man kayo ng isang team if doesn't love and respect you as a woman and as his wife, mamshie wake up! Wake up! Save your mental health!
true yan momsh, Love yourself and your kids nalang wag ka ng magstay kung ganyan ang asawa mo stand up for yourself and kids nalang mga ganyang lalake walang kwenta yan mga walang balls puro gawa lang ng bata pero sa responsibilidad at kakuntentuhan wala kang maasahan.
Mommy, self respect na din po. You and your kids deserve better. Paulit ulit! Napakawalanghiya niya. The fact that you sacrificed a lot FOR HIM. Especially just for you guys to have kids, pag buntis ang babae 50/50 yan, hindi siguradong safe ang pregnancy, and that alone is a sacrifice. Licensed psychologist, and sorry but your kids get more affected that you think. Madaming bad effects yang ganyang relationship sa anak niyo yan mommy. Once a cheater always a cheater. Once in a blue moon lang nagbabago ang mga yan, mommy! Di bale na po na broken family kesa binababoy ka po ng asawa niyo. Madami pong mga magagaling na bata na nanggaling sa broken families or raised by single moms po. Kaya mo yan, mommy!!!
ano dapat mo gawin? alam mo sa sarili mo ang dapat gawin. Iwan mo siya. Mas magandang gawin. Kase yung una na niloko ka nya is enough na yon, ginaganyan ka niya kase mapapatawad mo siya. Paulit ulit ka nya ginagawan ng ganyan kase alam nya na may babalikan siya. At kayo nga yon. Gusto mo lumaki ang anak mo doon sa family na wala ng love? Mahirap talaga kumawla lalo na at may mga batang involved. Bigyan mo din ng halaga at respeto ang sarili mo. Paulit ulit kanang niloloko. Wala na din kwenta kung ganyan palagi ang siste mambababae tapos patatawarin mo. Hindi ka din naman paanaking baboy na aanakan ka lang ng aanakan. irespeto mo din ang sarili mo kase ikaw nalang ang magmamahal sa sarili mo sa ngayon dahil sa paulit ulit kanang ginagago.
What you tolerate is what you deserve ika nga nila! Paulit2 na pala nangyari sana ikaw nlng yung nag contraceptive para hindi na madagdagan anak niyo dahil hindi lang ikaw mahihirapan niyan pati ang mga bata kawawa! May lalaki talaga na Sex lang alam na solusyon para tumigil sa pagbubunganga yung mga asawa nila kaya sa tingin nila after sex ok na agad lahat makakalimutan na ng babar yung kasalanan nila.. kaya hindi nagbabago dahil kaya ka niyang paikot ikotin! Sana po magtanda kana. Kailangan mong magkaroon ng proweba din para kung sakali napagod kanang umintindi sa kanya idaan mo sa legal action agad.. Sana din hindi totoo yung mga sinasabi ng nagttxt sayo.
sorry but for me mas okay na tanggapin ang BROKEN FAMILY kaysa makalakihan at mamulat ang mga anak ko sa maling paraan ng PAGMAMAHAL KUNO NG DADDY NILA. baka iba maging effect and trauma sa mga anak mo kapag nagpatuloy ka sa ganyan. mag file ka ng case tungkol sa sustento. then focus ka sa sarili mo at sa mga anak mo. mas malakas makaganda ang independent women sa totoo lang sobrang attractive at matuto mo rin mahalin sarili mo. kung tingin mo hindi na talaga yan magbabago TAMA NA. marami naman na broken family these days maiintindihan ng mga anak mo yan kung bakit ganyan ang choice mo kung mapapalski mo sila ng maayos.
momshiee 4 na anak niyo..una palang alam mo na unfaithful si mister.. aantayin mo pa ba mag baby #5 pa? Mommy panahon na mahalin mo naman sarili mo at higit sa lahat mga anak mo... wala naman gusto ng broken family di ba? Pero wala din naman maganda maidudulot sa pagsasama una palang alam mo na may Lokohan na... kung maghihiwalay man kayo for sure maiintindihan ka ng mga anak mo sa desisyon mo.. deserve mo maging masaya.. maiksi lang ang buhay ng tao kelangan maging worth it ang buhay natin at maging peaceful... Godbless
Feeling ko kahit anung sabihin namin sayo di ka pa titigil. imagine? niloko ka na once? pinadami mo pa lahi nya? and so what kung broken family? lumang mindset na yan. di mkkbili yang excuse mo ng peace of mind and happiness. sana inisip mo mga anak mo. ako nagkaanak ako sa ex ko pero nalaman ko ngcheat, 2 mos plang baby namin nilayasan ko na. now I'm happily married. siya din kinilala ng anak ko bilang ama. ang mali sayo ung mindset mo. yun baguhin mo kasi ung asawa mo di na magbbgo.
Mi, ikaw lang mkksagot nyan. Kng mpptawad mopa or what. Pero habang pnapalagpas mo uulet at uulet yan. Mukhang sya po yung tipong hndi aamin hanggat d nahhuli ng actual. Pero gaya nga po ng sabe ko nasa sayo po iyan. Ano po ba ang priority mo? Relationship ninyo, buong family, or mental health mo kasi mahirap yan lahat. Ipag pray mopo na iguide ka. .. Kng ttnggapin mo dn naman ulet wag mo nlng po alamin kng totoo or what kasi baka mabaliw ka lang po. βΊοΈ
Anonymous