Legal Wife

Legal wife ako. Husband ko working as Trainer kaya expose sa maraming tao. Nung bago pa lang kami nagcheat na siya. 3 or 4 yrs old yung 1st baby namin. Pinatawad ko siya at nagmove on. Nagkaroon kami ulit ng anak and then ngcheat ulit siya. Several times na siya ngcheat and then before pandemic naging shaky na relasyon namin dahil sa in and out na pagaaway, pagseselos (na may basehan) at kung ano ano pa. Kaya ginawa ko nagbalik alindog ako. Inayos ko sarili ko and then turn out nagkaanak ulit kami. Pero may mga pangyayari na bigla may nagpadala ng gamit ng babies at claim na parang may karelasyon ako sa iba. Nagaway kami at iniisip niya na hindi sa kanya ang bata pero 100% legit sya ang ama. Nanganak ako at after a year binyag ng anak ko ay may nagtxt sa akin. Kabit niya. Sobra ako nagwala kasi akala ko tapos na siya. Hindi pa pala. Wala kami araw na hindi nagaaway dahil sa mga natatanggap ko na messages or chat about sa kanya. Kahit na totoo o hindi. Wala naman siya inamin na kahit ano simula pa noong una. Humingi na naman siya ng tawad at oo ako pinatawad ko ulit.At nagkaanak kami ulit. Sobrang nagiba siya kumpara sa dati. Pero nung nanganak na ako. May mga natatanggap na naman ako na chat or txt na nagsasabi na may kabit ang asawa ko at sinasabi na sabay kami nanganak din. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Pero iniisip ko na totoo. Hindi magaaksaya ng oras at load kung gumagawa lang ng kwento. Hindi ko din mahawakan ang celfone ng asawa ko. Hindi ko din alam lahat ng ginagawa niya. Hindi kami magkasama sa bahay pero palagi naman kami pumupunta sa bahay nila ng mama niya. Hindi ko na alam ano dapat ko gawin. Apat na anak namin at paano kung totoo may anak siya sa labas? paano kung totoo mga sinasabi nung ngtxt? Hindi ko alam ano kaya ko magawa sa asawa ko kapag nalaman ko ang totoo! Baka maging tanga na naman ako at patawarin ko lang siya sa ginawa niya. Ayoko maging broken family kami kaya tinitiis ko pambabae ng asawa ko pero parang mali na sobra. Wala na din oras na hindi ko naiisip kung ano ang ginagawa niya kapag nasa labas siya. Madami na pumapasok sa isip ko. Ano ba dapat ko gawin? 😒😒😒

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hauss sis sorry pero hnd ka na nadala. Once a cheater always a cheater. 99% ng nagcheat umuulit. Kasi alam nila ung karelasyon is patatawarin padin sila. Ang nagagawa mo now is kausapin ang asawa mo. If ideny nya un then magset ka ng meeting wirh girl or hingi ka ng proof na anak ng asaww mo un. Sorry pero matagal ng sira ng pamilya nyo dhil sa paulit ulit na ginagawa ng asawa mo. Bakit ka pa magstay eh hnd nga sya good husband and father? sorry ah kawawa ang anak nyo dhil meron silang tatay na tulad nya. Sa tingin mo ba makakatulong sa anak mo ganyang set up nyo? definitely not. Trauma ang aabutin ng anak mo sa tatay nila. Mag isip ka sis wag kang martir kasi hnd ka mahal ng asawa mo. Wag mo ng kapitan ang ayaw magpakapit. Wla ka na mapapala sknya kundi hingian mo ng financial support at if priven na anak nya un s akabit ipakulong mo lalo if legal wife ka. Now pa lang isip ka na ng Plan B pra sa anak mo.

Magbasa pa