Legal Wife

Legal wife ako. Husband ko working as Trainer kaya expose sa maraming tao. Nung bago pa lang kami nagcheat na siya. 3 or 4 yrs old yung 1st baby namin. Pinatawad ko siya at nagmove on. Nagkaroon kami ulit ng anak and then ngcheat ulit siya. Several times na siya ngcheat and then before pandemic naging shaky na relasyon namin dahil sa in and out na pagaaway, pagseselos (na may basehan) at kung ano ano pa. Kaya ginawa ko nagbalik alindog ako. Inayos ko sarili ko and then turn out nagkaanak ulit kami. Pero may mga pangyayari na bigla may nagpadala ng gamit ng babies at claim na parang may karelasyon ako sa iba. Nagaway kami at iniisip niya na hindi sa kanya ang bata pero 100% legit sya ang ama. Nanganak ako at after a year binyag ng anak ko ay may nagtxt sa akin. Kabit niya. Sobra ako nagwala kasi akala ko tapos na siya. Hindi pa pala. Wala kami araw na hindi nagaaway dahil sa mga natatanggap ko na messages or chat about sa kanya. Kahit na totoo o hindi. Wala naman siya inamin na kahit ano simula pa noong una. Humingi na naman siya ng tawad at oo ako pinatawad ko ulit.At nagkaanak kami ulit ilang buwan matapos mag1 taon yng ikatlong baby namin.Sobrang nagiba siya kumpara sa dati. Pero nung nanganak na ako. May mga natatanggap na naman ako na chat or txt na nagsasabi na may kabit ang asawa ko at sinasabi na sabay kami nanganak din. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Pero iniisip ko na totoo. Hindi magaaksaya ng oras at load kung gumagawa lang ng kwento. Hindi ko din mahawakan ang celfone ng asawa ko. Hindi ko din alam lahat ng ginagawa niya. Hindi kami magkasama sa bahay pero palagi naman kami pumupunta sa bahay nila ng mama niya. Hindi ko na alam ano dapat ko gawin. Apat na anak namin at paano kung totoo may anak siya sa labas? paano kung totoo mga sinasabi nung ngtxt? Hindi ko alam ano kaya ko magawa sa asawa ko kapag nalaman ko ang totoo! Baka maging tanga na naman ako at patawarin ko lang siya sa ginawa niya. Ayoko maging broken family kami kaya tinitiis ko pambabae ng asawa ko pero parang mali na sobra. Wala na din oras na hindi ko naiisip kung ano ang ginagawa niya kapag nasa labas siya. Madami na pumapasok sa isip ko. Ano ba dapat ko gawin? 😢😢😢

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pinapatawad mo kasi mi kaya umabuso , edi ngayon nag karoon pa ng anak sa labas kung nag kataon, dapat una palang, tinuruan mo na ng leksyon yan, di ung kuninsinti mo ikaw tuloy na hihirapan tas dami nyo pa anak, ayaw mo ng broken fam pero ung asawa mo loko loko,. ako yan ganyanin ai nako hiwalay agad. bakit aasawahin mo pa kung alam mong babaero 😂 yan ung sinasabing choose wisely. ✌️✌️

Magbasa pa

mommy nmn kya paulit ulit gngwa sau ksi alam nia na mpptawd mo pdin sya😔hayst please stand on your ground d kc mgbbgo yan hnggat d m bnbgyan ng lesson ei.find enough proof then sue them at mkpghwlay kna po nku nmn hingi k nlng child support at mgwork pra sa enio ng mga bata.. balik alindog ganern ..sya nmn mwwalan e at may karma po sa gngwa nia sau..keep praying mkkyanan mo din lhat yan🙏

Magbasa pa

Unang cheat alam mo na agad yan na you deserve someone better. much better sana kung ung "balik alindog" mo ay ginamit mo para magpataas ng self confidence and self respect pero nagpaanak ka pa ng paulit ulit at nag paloko ng paulit ulit. i think deserve mo yan kasi pinabayaan mo. pasensya kana pero deserve mo yan kung di ka gigising sa sitwasyon mo.

Magbasa pa

Mommy ganun mo na pala nakilala ang asawa mo, what makes you think na magbabago pa sia. Baket pinatawad mo pa sia everytime na nahuhuli mo sia. Now if merun siang anak sa labas hindi yun imposible kasi bago pa lang kayo nun nagloloko na sia. Nasayo na yan mii kung gusto mong magstay at ituloy yung ginagawa mo date patawarin mo sia everytime.

Magbasa pa

di na uso yan ngaun magsasama nalang kau para sa anak nio... kahit anu gawin mo d na kau bblk sa dati dhl ilan beses kana nia niloko... bale wala na yan pgssma nio dhl wala na love. at trust... ok lang na broken... atleast peace of mind ka dn. iisipin mo mga anak mo nalang. basta sustento wag kklmtan...

Magbasa pa

kaya may mga asawang serial cheater dahil sa misis na sobrang tanga. mamsh naman 2023 na love yourself. ndi na yan magbabago. Ang ahas kahit magpalit ng balat ahas pa din yan. love yourself, your kids and surrender everything to the Lord. Isurrender mo na yang asawa mo. Forever cheater na yan.

sa totoo lang kung ako nasa ganyang situation, aalamin ko kung may anak nga siya sa labas kase kung merun nga ipapakulong ko siya. Hindi bale ng walang tatay mga anak ko kesa naman sa merun nga pero paulit ulit lang sinisira ang ulo ko tapos ganung klaseng tao pa.

panay ka nalang patawad sa sobra sobra pagpptawad nag kakaanak ulit kayo... ganun daw tlaga mga babae nag papa katanga sa pag ibig,i hope magkaroon ka ng peace of mind...

the moment na pinatawad mo sya despute his cheatimgs, tinanggal mo na respect nya sayo.kaya umit ng umulit ng umulit. sorry to say pero kasalanan mo din. tinolerate mo.

hindi ka natuto? umabot ka sa apat na anak na hindi ka natuto? Alam mo ang sagot sa mga tanong mo. Nabulag ka lang ng pagmamahal