Okay lang ba na maging LDR sa unang taon ng mag-asawa?
TAP Parents, okay lang ba ang LDR sa unang taon ng mag-asawa? Any thoughts? I-comment mo na 'yan!


Ganyan nangyari samin ng husband ko, October 2015 kami kinasal, by April 2016 umalis na siya papuntang KSA, 2 years kaming LDR, kaya di rin kami agad nagkaroon ng baby. Masasabi ko na nakaya naman namin, basta hindi mawawala ang communication at tiwala talaga sa isa't isa ang kailangan. Pag-uwi niya nagka-baby na kami. Kaya yung mga sumunod niyang alis papuntang abroad, mas kaya na namin kasi sanay na kami at di na ko masiyadong nalungkot dahil sa baby ko, naging LDR ulit kami nung August 2019, sa Japan naman siya pumunta, then umuwi siya December 2020, as of now magkasama na kami, wala pa ulit sched ng pag-alis niya dahil sa Covid, di pa siya binibigyan ng date ulit papuntang ibang bansa ng company nila dito sa Pinas, kaya dito sa company nila sa Pinas muna siya nagwowork. Baka kapag ok na ang situation, ipadala na ulit siya ng company sa ibang bansa.
Magbasa paLDR kami ng husband ko mula pa nung boyfriend ko sya. in short 13 years kami LDR and months lang talaga ang tinatagal nya dito dahiladalas nasa dagat sya. okay naman ang pagsasama basta wala kayong tinatago sa isa't isa at open ang communication. Plus napakabait naman talaga din ng asawa ko eversince never nya pinaramdam sakin na malayo sya. kumbaga always present pa rin sya sa life ko kaso thru calls lang and videocalls.
Magbasa pafor me,it depends to both of u ..but base sa naexperieced ko ..ldr kmi Ng mging Asawa ko, mging ama ni baby na pinagbubuntis ko ngaun.Well,we did ldr and its making us more stronger 💪at ok lng nmn as long as lgi sya tumatawag skin at very updated Kung saan at ano gngwa nya ksi ako ksi medjo jelosa at un tipong ndla nko sa mga nkraan ko,Kya nmn akoy gusto lng mkramdam ng totoong pagmmhal ng isang Tao .😍🙏.
Magbasa pano choice kami. nasa saudi cya at nasa turkey ako nun. nauna ako umuwi for good, nagbakasyon naman cya para magpakasal kami at sunod ako sa kanya dun para d na kami ldr. kaso najuntis naman ako kaya heto. tyaga sa video call ulit gaya ng dati. mag 2yrs na kaming kasal. bale 6yrs na kami in ldr relationship. wala namang nagbago sa nararamdaman namin sa isat isa. mahirap.. pero, tiwala lang talaga
Magbasa paokay lang nman pro depende sainyo prin yan,, sa experience ko kinasal kmi ng hubby ko July 19, 2014 , July 28, 2014 din bumalik na ko sa Denmark,, 9 days lang kmi nagksama ng mister ko pero okay nmn kmi laging video call nalng, txt or twag pra ma update kung san sya pupunta o ako, nasa pag-uusap nyo yan, saka tiwala lang sa isa't-isa,,
Magbasa paIt could work for other couples. It depends on their communication and agreement. Ang mahalaga both parties agree. :) But for me, ayaw ko ng LDR. We’d always look for a way to be with each other no matter what. Because for me to get married means you are ONE already, ready to complement, support, and serve each other.
Magbasa paDepende po sa situation ninyo. Kami mag-asawa kahit nung bf gf kami ldr na talaga kami dahil sa nature ng mga work namin, ngaun ganon pa din ldr pero ako fulltime housewife na para anytime kaya magvideocall ni hubby kay baby at sa akin para kahit papano maibsan yung lumbay na malayo xa sa amin.
It depends po sa work nyo, no choice talaga eh. Ever since bf/gf relationship LDR na po talaga kami tapos mga 3-6 mos. lang talaga yung bakasyon nya balik trabaho na nman. May chat at vcall nman po kahit paminsan minsan nababawasan yung pgka miss sa isa't isa😊
ldr kami until now nanganak ako ng wala Sya sa pinas because of covid until now hindi pa sya makapunta kac d pa open ang tourist and we are still waiting for the PSA of our son..pero okay naman kmi we do video call every day and sana mgmeet na kmi the soonest
Depende sa pagsasama. Kami kasing mag-asawa, ldr na kami ever since mag bf at gf pa lang kami, hanggang ngayon na ilang taon na kaming kasal. Commitment lang talaga. Pero syempre ideally, mas maganda pa din na hindi sana ldr.