if its God Will, it Will.

LDR kami ni bf ng 1 year then nung april 15 nagkita na kami finally. april 30 yung huling period ko tas i remember na nag overnight kami ng friends nya sa isang resort nung MAY 2, pero biglang yung period ko on the way sa resort humina sya then nung nag shower ako nun totally nawala nalang bigla. then MAY 30 dapat magkakaron na ulit ako, but ayun nga delayed. Nag antay ako ng 2weeks kasi nga baka delay lang talaga, pero napagusapan na namin then okay naman yung usap namin kumbaga may plano na, then after 2 weeks nag-PT ako and positive sya. Ang twist lang eh hindi na kami okay nung bf ko, when my tummy is 2 months bigla syang nagbago, nanlamig, at biglang sinabi nya sakin na hindi pa daw pala sya ready mag asawa. Like WTF! kung kelan nakabuo na. Pero tiniis ko, kahit iniwan nya ako sa ere, pero recently natauhan na ako, na bakit ko ba pagpipilitan sarili ko sa isang walang kwentang katulad nya. So ayun, nasa moving on stage palang ako pero desidido na talaga akong buhayin ng ako lang si baby. im 6 months preggy now. 3 months to go, makakaraos na din. Kaya sa mga single moms at magiging single mom palang dyan. Wag kayong panghinaan ng loob. Binigay yan ni god. Blessing. At hindi nya ibibigay satin to kung alam nyang hindi nqtin kakayanin. Hindi nya tayo papabayaan. Goodluck mommies?

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Akala ko ako lang ung may ganitong sitwasyon, masakit maiwan sa panahon na mas kailangan mo ung partner mo. Tho ang kaibahan sakin, ako ung may dating asawa and sinabi ng ex ko na tanggap naman nya past ko kaso nung nabuntis nya ko, nagiba, nawala na sweetness.. Then nung 4mos na tyan ko, nakipaghiwalay na sya ng tuluyan kase di daw sya ready at wala daw patutunguhan ung relasyon namin. Well the only consolation lang eh, susupport sya sa baby namin kaso sa state nating mga buntis, we need more than financial support, ung emotional needs natin mas mataas. And every week lang sya magchat if kumusta si baby pero nakakasama lang ng loob kase ramdam kong hindi sincere. God bless sa ting mga single mom.. Anyway, 1st baby ko to kaya talagang masakit na di ko mabibigyan ng buong family ung anak ko, di kami nabiyayaan ng baby ng ex husband ko before.

Magbasa pa