4 faint lines, 1 negative

Hello po mommies, Question lang po if may ganitong case tulad sakin. LMP ko is Feb 22, expected dapat is March 25 pero di dumating. Nag pt ako puro faint lines lang kaya i decided pumunta sa OB last april 8 to confirm kaso sabi ni doc is wala sya makitang sign ng pregnancy pero nagreseta na sya ng vitamins and duphaston. Then on April 13 bigla akong nagkableeding (?). Usually 2-3 pads ako pero weird yung ngayon kasi sobrang hina tapos 1-2 pads lang ako hindi pa puno. Sabi ob is magretest after 2 weeks then this morning i tested negative. Medyo confused lang ako bakit faintlines nung una then negative bigla. (Lahat sila nasa time period ng checking ng test lumabas ang result) #pleasehelp #advice

4 faint lines, 1 negative
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

kung buntis ka po imposible naman na hanggang april mahina parin ang hcg level mo, dapat kahit papano malinaw na yung lines. kaya maaari pong lahat yan ay false positive lang. may ilang reasons bakit nagiging false positive. pwedeng dahil sa medical conditions like ovarian cysts, ovarian cancer, even UTI. pwede ring nakunan kana ng hindi mo alam. mag pa consult ka nalang po ulit para mapanatag loob mo kung meron bang problem with your health.

Magbasa pa
2y ago

Yes po balak ko din bumalik. 2nd pregnancy ko na po din kasi kaya medyo nanibago ako. Ang sabi lang po kasi ni doc is retest after 2 weeks then bigla po nag negative.