stress or depression

lately kase napakaemotional ko . sinisisi ko yung sarili ko kung bakit nagkadeperensya anak ko, kada napag uusapan yung problema sa anak ko di ko mapigilan umiyak ng sobra 😭😭 may time din na naiiyak ako ng sobra kapag nakakarinig din ako ng mga salita tungkol saken . mga mabababaw lang naman . tsaka lalo na kapag nakikisuyo ako sa tao tapos parang masama loob nila . kung pwede/kaya ko naman gawin, gagawin ko kaso nung nanganak ako may limit na yung galaw ko kaya nakikisuyo ako . tapos kapag ginawa ko naman ng walang consent nila nagagalit sila . di ko tuloy alam kung san ako lulugar eh 😢😭 hindi kase ako yung tipo ng tao na palautos at hindi makalat sa bahay . hanggat kaya ko gagawin/lilinisin ko . hindi rin ako palasabi ng concern ko sa bahay Sumasakit tahi, ulo at buong katawan ko 😭 di ako makapagsabe sakanila kase alam kong may masasabi sila saken na di maganda . ayaw na ayaw ko pa naman ng napagsasalitaan ako

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Momsh, after delivery, mas naging sensitive din ako sa lahat. Pero kelangan pa naten ng tulong. Mas mahirap mabinat. Baka concern lang din sila sayo kaya sila may nasasabi pag ikaw ang nakilos. Kelangan mong magpalakas. Hindi biro ang pinagdaanan naten na 9months tayong may dinala tapos idagdag pa dun yung pain ng pag-anak. Palakas ka. Pagaling ka. Wag mo sisihin sarili mo masyado kase di yan makakatulong lalo kay baby. Alagaan mo sya ng maayus. Ibigay mo lahat ng pagmamahal mo sa kanya. Kung anuman ang diperensya, punuan mo ng pagmamahal at alaga. Magiging maayus din lahat. Pray ka palagi.

Magbasa pa
5y ago

Thank you momsh ❤ miss ko lang din siguro family ko 😢