Right side lying

Lagi po akong sa left side natutulog kaso pag sobrang ngalay na po, bumabaling po ako sa right side para lang kumbaga mabalance ko din po kahit sandali. Kaso napapansin ko pag nasa right side po ako, naglilikot si baby. May nakakaexperience din po ba ng ganun? Hindi po kaya sya komportable kaya ganun? Kaya pag malikot po sya lumilipat nalang din po ako agad sa left side then behave na po sya nun.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May napanood at nabasa po akong articles and videos about sa tamang position sa pagtulog. Pag sa right side raw po, naiipit ang lungs and kidney ng mommy dahil sa pressure. So hindi siya nagffunction nang maayos. Pag tihaya naman daw po yung malalaking ugat sa heart ng mommy ay naiipit din, kaya minsan parang nahahapo. At may possibility raw po na mawala ang baby pag ganon. Pwede raw pong tumihaya as long as at least 45° ang upper body natin para hindi po naka flatten ang katawan. Left side raw po ang pinaka safe dahil walang pressure, nag ffunction nang maayos ang mga organs ng mommy. Suggested po na gumamit ng maternity pillow to support our bump, or mag lagay ng unan sa bandang balakang at isang dantay na unan sa tuhod.

Magbasa pa

ganyan din po ako, mi. sa left din ako natutulog pero need umikot ikot kasi sumasakit yung left hip ko sa bigat ko hahahaha saka kapag sobrang tagal ka po sa same position di na magfflow ng maayos yung dugo sa buong katawan natin. tumitihaya po ako at humihiga din sa right side. kahit saang position po nararamdaman ko si baby at mas gusto ko po yun ibig sabihin naguunat din po sya sa loob. 🤗

Magbasa pa

left or right side no problem po sbi po kc ni ob as long as nla side lying mtulog safe c baby, tpos kung saan sya mas malikot na side ibig sbhn mas nkkakuha sya ng blood supply.. pkrmdaman mo po kung alin side mas active si baby goods yan

left and right ako..kung san ko gusto.. sabi ni oby kahit san basta nakatulog ka..minsan nga nagigising na ako nakatihaya. 30 weeks here. kesa naman puro ka left tapos di ka makatulog at ngalay haha

sakin mommy pag sa left mas malikot siya. sa right naman mas sumisiksik siya dun sa may puson kaya mas hindi ako komportable. hehe. tingin ko okay lang kahit anong side para din di nakakangalay.

2y ago

7 months na ako.

Nope,pag naglilikot si Baby ibig sabihin okay lang sya. Di nga lang komportable sa nanay pero pag malikot sya it's a good sign na healthy sya😊

minsan nakahiga ako sa right side natutulog ako kahit hindi komportable kasi medyo gumagalaw yung baby ko tapos yung left side nung feeling ko masarap matulog.

Mapaleft, right or tihaya malikot po talaga sya pag gising hehe kaya minsan napupuyat. Pero mas ok daw po sa left side matulog kasi masamaganda flow ng dugo.

sakin mi kalilipat ko lng left side, nag sisisipa n c baby😅 ganon rin right side😅 kya ang ending tinaya😆

diba po pag gumagalaw sa tyan si baby it means healthy siya?

Related Articles