Right side lying
Lagi po akong sa left side natutulog kaso pag sobrang ngalay na po, bumabaling po ako sa right side para lang kumbaga mabalance ko din po kahit sandali. Kaso napapansin ko pag nasa right side po ako, naglilikot si baby. May nakakaexperience din po ba ng ganun? Hindi po kaya sya komportable kaya ganun? Kaya pag malikot po sya lumilipat nalang din po ako agad sa left side then behave na po sya nun.

May napanood at nabasa po akong articles and videos about sa tamang position sa pagtulog. Pag sa right side raw po, naiipit ang lungs and kidney ng mommy dahil sa pressure. So hindi siya nagffunction nang maayos. Pag tihaya naman daw po yung malalaking ugat sa heart ng mommy ay naiipit din, kaya minsan parang nahahapo. At may possibility raw po na mawala ang baby pag ganon. Pwede raw pong tumihaya as long as at least 45° ang upper body natin para hindi po naka flatten ang katawan. Left side raw po ang pinaka safe dahil walang pressure, nag ffunction nang maayos ang mga organs ng mommy. Suggested po na gumamit ng maternity pillow to support our bump, or mag lagay ng unan sa bandang balakang at isang dantay na unan sa tuhod.
Magbasa pa