PULBO FOR EVERYTHING
Labas lang po ako sama ng loob kasi di ko alam kung matutuwa ako o matatawa sa biyenan ko eh. mula nang dito kami nauwi sa bahay ng husband ko, pinagpipilitan na niyang lagyan ng pulbo si LO eh wala pang 1month si LO kabilinbilinan ng pedia at nurses sa hospital wag lalagyan ng pulbo o baby oil si baby which is sununod namin ng husband ko. I talked to my husband regarding that and sinabihan nuya naman mother niya ng maayos. kaso minsan pasikreto niyang nilalagyan si LO ng pulbo at sa LEEG pa :( eh ang alam ko pwedeng magkaasthma si baby pagka nakalanghap siya ng pulbo. ok lang sana sa diaper area, hinayaan ko na pero sa leeg. Kahit sa may kagat ng langgam sa pwet pulbo rin solution niya. Di ko mapigilan at baka maoffend ko sila lalo na dito pa kami nakatira sa bahay nila and tinutulungan ako magalaga kay LO. Pinipilit niya rin lagyan ng baby oil, buti nalang wala kaming biniling baby oil kaya wala siyang mailagay. nasstress na ko at naaawa sa LO ko at baka kung ano maging effect sa paglaki niya kasi wala ko balak lagyan ng pulbo. Grabe rin pagugoy niya sa duyan ni LO baka may nasamang epekto na yun sa utak niya. sinabihan na rin siya ng husband ko about that pero ala parin. nakakalungkot. pano ko ba mapapaintindi yung mga bawal sakanila? kasi health na ni baby nagiging risk dahil sa paniniwala nila :( naappreciate ko tulong nila saaming magasawa. nakakalungkot lang talaga di ko tuloy maiwan magisa si baby. gustuhin ko man bumukod na. we have no means pa. gustuhin ko man pagsabihan baka nga po maoffend. pano po pwedeng gawin?thank youpo