hinanakit kay doc

labas lang ako hinanakit sa pedia ng baby ko. lumabas kasi sya 36 weeks tapos nong follow up check na nya sabi sakin "c-ni-pr pa kaya si baby pero saglit lang 2 mins. habang ikaw sarap ng tulog mo" then sumagot ako ng "opo doc kasi di ko nalabanan tulog ko nagising po ako nong umiyak na si baby" tapos sabi "oo nga eh, sabi ko nga kay doc (ob)yung pasyente walang kaalam alam sa nangyayari sa anak nya" sinabihan pa ako na sarap daw ng hilik ko.. and sabi ko "pasensya na po kasi di ko talaga napigilan" (gabi din kasi before ako ma cs, 2am gising nko medyo kabado kasi) and sinagot ulit ako ni doc ng "ehh wag ka nga kasi itinulog mo ulit" na parang masakit sakin mamsh kasi di ko din naman ginusto makatulog kaso yung tono ng pananalita nya iba ang dating sakin..? puro tuloy ako iyak pag uwi.. tapos parang sinumbat pa yung bawas ng bill eh hindi naman kami humingi ng discount kundi si secretary ang nagbawas ng 500 kasi yung asawa nya kawork ng asawa ko. di nko nasagot kasi parang tagos na mga salita nya sakin. gusto ko lang ilabas mga mamsh para mawala wala na bigat.?

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hala bat ganun pedia ng baby mo,,.ako cs din ako,natural lang na antukin after,.ako nga nun eh,sinabihan pa ako ng ob at ng doctor na nag anastasiya sakin na wag ko daw pigilan antok ko,kung d daw kaya pigilan,itulog ko daw..pero d rin talaga ako natulog nun kc gusto ko makita agad baby ko,sinasangsyun o(saksyon) kc baby ko ng pedia nya kc puro laway sya.tas ang babaet pa ng mga nurse lalo na ung pedia,lagi nya sinasabi sakin wag mag alala okey lang c baby,kaya wag ko daw labanan ung antok.pahinga daw..tas habang chinicheck c baby ng pedia at ung doctor na ent,.yung mga nurse naman inaupdate ako lagi tungkol sa baby ko,kc naririnig ko kc baby ko iyak ng iyak sa kbilang room.

Magbasa pa

Anong hospital yan? Sa private o public? May mga bastos tlaga na doktor. Tandang tanda ko pa non winard nila ung tatay ko kase malaki na gastos ng ate ko sa ospital, tumitirik na mata ng tatay ko nagtawag ako ng nurse ayaw kaming pansinin nag chichismisan lang sa pgh tpos nung may lumingon sinagot ba naman ako na "hindi ako nurse doktor ako" nagsorry ako non malay ko ba kase nakapang suot sya nankapareho ng mga nurse nagsorry naman ako agad bata pa ko non. Ang susungit tlga ng tao don, sasabihin sayo relax lang tpos walang gagawin jusmio naghihingalo na pasyente. Di ko makakalimutan yon, bastos ng mga naka duty don ward 5 ng pgh

Magbasa pa
5y ago

private po mamshh

Ginusto ko rong gising ako nung ongoing operation, kaya lang nakatulog ako. Normal lang din naman ata yung makatulog mamsh. Ako nga po nakatulog nung night before kasi 9am po sched cs ko pero nakatulog parin ako habng inoopera. Grabe naman po wordings ng doctor niyo.

Palit ka nang pedia sis, mas maganda yung approachable at nkaka intindi sayo, alam na man nila na hindi biro manganak at tsaka natural antukin ka kasi cs kai may tinurok sila sayo.

tsk ako nga pagkapanganak sabi sakin pahinga ka muna hayaan mo nalang na yung bantay mo mag alaga kay baby gising ka nalang pag magpapadede

Bakit ba may mga doctor na ganyan. Sarap ipatulfo ng mapahiya eh. Hahaha Lipat ka na lang momsh ng pedia. 🤔

Napaka unprofessional naman po kung ganun, sana po hindi na sya pedia nyo ngayon. Nakakainis po kapag ganun

5y ago

sabi nyo pa mommy. sakit sa dibdib until now.

Palit ka ng pedia sis wala naman kaso if di siya magcocontinue ng tingin ki baby

Ang hard ng OB mo.. dpat nga iuplift or tulungan k p nya sa process.. hay..

VIP Member

Palit ka na ng pedia sis, un ethical at un professional masyado pedia mo.