?

kwento lang mga sis, nung sabado kse nalaman ko na niloloko ako ng kalive in ko. nag away kme dhl sa gnawa nya di manlang sya nkonsensya buntis ako tapos niloko nya ko sa loob ng 5months.? ngyon nag mamakaawa kk sya na wag ko syang iwan.. kme ng anak ko pinipili nya ayaw nya na dun sa babae nya. pero ang sakit tlga ng gnawa nya dhl my nangyari pa sknila ng babae nya ? ano po vang dpat kong gawin. pls need ko po ng advice kase litong lito na po ako.?

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

if kaya mo pa magbigay ng chance you can. I've been through that, nadepress nga lang ako nakakaguilty para kay baby sa sinapupunan ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ko deserve ang ganyang lalaki pero feeling ko parang ang selfish ko naman if paglabas ni baby and he will grow up na walang pamilya or papa. Tiniis ko, I trained myself na magstay nalang and hayaan sya gawin anong gusto nya. Hinayaan ko shang lokohin ako and to think I was still hoping and also prayed for him na magbago na sana kahit para sa anak nya man lang. I also promised myself na paglumaki na anak namin and mrunong na umintindi, maybe that would be the right time na hihiwalayan ko na papa nya. Very hard decision bwcause you have to choose kung sarili mong nararamdaman and kapakanan or for the sake of your child :) Pagisipan mo muna, I pray gagabayan ka ni lord sa mga decisions mo and that he will strengthen your heart for whatever challenges mah come in your way as you go through the journey of becoming a mama soon. Godbless stay strong

Magbasa pa

Big deal breaker sakin ang cheating so once he cheats, wala nang second chance. Why? Kasi buong buo ako magtiwala. I don't check his phone, his social media, I respect his privacy and he's free to do what he enjoys dahil supposedly alam na nya dapat ang limitations nya. Now if magcheat sya, hindi ko na sya kayang pagtiwalaan nang buong buo. There will always be a part of me na magwoworry if he's cheating again or not. Baka mapraning ako pag may kausap sya sa phone. We'll just be miserable together so mas ok na na maghiwalay na lang. Yung sa mga bata we can make arrangements. Pero ayoko na lumaki sila na makikita nilang hindi masaya mga magulang nila at laging nag aaway. Mas ok na yung hiwalay pero peaceful.

Magbasa pa

Once a cheater is always a cheater.. pero who knows, baka magbago yan 🤷‍♀️ pero consider mo sa desisyon na gagawin mo na nagawa ka nyang lokohin kahit buntis ka. Buntis ka pa lang naloko ka na, paano pa kapag lumabas na anak nyo? Paano ka din makakasigurado na hindi na nya uulitin? Kahit nga bantayan socmed, kapag gusto humarot, haharot talaga. Isipin mo na lang, need mo pa ba sya sa buhay mo? kung stress lang nadudulot nya? Nagawa kang lokohin at may nangyari pa talaga sa kanila. Nagsorry lang yan kasi nahuli mo. What if hindi mo nahuli? Hanggang kelan ka nya gagawing tanga 😶

Magbasa pa

ganiuan din nangyari sa akin ganiyan na ganiuan pero ang pinag kaiba wala nmang nanguari sa kanila kasi sa malayong lugat yung girl nalaman ko yun nanganak na ako pero 5 months din ako buntis hanghang sa manganak ako naglalandian na sila kinukunsinti pa ng pinsan nya pero now pinatawad ko and maayos naman na kami pero hindi ko pa din maiwasan minsan mag duda dahil sa nanguari at naiintindihan naman nya yun.. Sinabi ko kasi sa kaniua na once mangyari ulit yun hindi na nya makikita anak nya

Magbasa pa

Kung totoong mahal ka nya una pa lang dapat di ka na nya niloko. Pinaka mahalaga sa relationship ang trust kaya once na nasira na un napaka hirap na ibalik, pero depende parin sayo sis kung hanggang saan ang kaya mong tiisin. Halos araw araw mo din kase yan maaalala na niloko ka nya lalo na’t may nangyari pa pala sakanila ng babae nya. Know your worth as a woman, hindi naten deserve na lokohin. Pero as a mom be brave sa pag dedesisyon mo kase may anak na kayo. Goodluck po! 😊

Magbasa pa

Wala man ako sa position mo, but everyone deserve a second chance. Masakit pero kailangan tiisin. Learn to forget and to forgive, may mga tao na nagbabago after ng lahat ng nagawang pagkakamali. If ever na naulit edi i let go mo na sya, if ever na hndi na naulit edi go niyo lang. basta always remember love yourself first and your baby, wag mo muna ibuhos lahat sa live in partner mo. Thats all, wag sana masamain ang sinabi ko. Godbless you and your baby🙌🏻

Magbasa pa

I understand na ang ibang momshies sinasabi once cheated hiwalay agad kc sira na trust. I respect that. pero sa opinion ko... deserve nya another chance..uu masakit na lokohin at di tama yun in any way...pero yung relationship nyo is worth fighting for..di lng nmn ikaw ang involve dto...nndito na si baby... ilaban mo pamilya mo na buo..pag inulit pa nya..abah! ginawang hobby..hiwalayan mo na sizst

Magbasa pa
VIP Member

Kung mapatunayan nya naman na nagbago sya why not diba. Nasa inyo po yan kung bibigyan nyo ng chance. Mas kailangan nyo po ng pag aalaga ngayon dahil buntis ka at bawal ma stress. Pero kung ako lang hindi na. Lalo pa at may nangyari na pala sa kanila. Pag nasira ang tiwala mahirap ng ibalik. Itinaon nya pang buntis ka. Pero sayo pa din ang desisyon mamsh. Kung makikita mong sincere sya nasa sayo kung pagbibigyan mo pa.

Magbasa pa
5y ago

sana nga magbago na din sya katulad ng husband nyo.😔 oo mahirap tlga maibalik yung tiwala. parang ang hirap na maniwala sa mga sinasabe nya e.

Same case pero mas inisip ko yung anak ko that time binigyan ko sya ng secondchance kung magbabago o hindi sobrang sakit halos araw araw inaaway ko sya sinusumbat ko sakanya ung ginawa nya pero kung magbabago yan magbabago yan kung hindi iwanan mo nalang madami pa namang lalaki jan pero pagisipan mong mabuti para sa anak mo♥️ Kaya mo yan

Magbasa pa

madaling sabihin bigyan ng second chance, magpatawad ka. Pero paano ka magpapatawad kung di ka pa nakakamove on sa sakit na nadama mo dahil sa panlalaki nya? Why dont you allow yourself to heal first bago ka magpatawad sakanya. Hayaan mo sya mageffort muna na makuha kayo ulit. Love yourself.