Ganito din ba OB-Gyne niyo?

Kwento ko lang yung OB ko. Kapag mag papacheck-up ka dapat maaga ka tumawag or magtxt sa secretary niya para di ka mahuli sa pila. Kailangan 1pm nasa clinic ka na. Darating ka na fresh, uuwi kang bilasa. Kasi dadating si Doc ng 5:30 ng hapon malas mo kung panghuli ka kasi 9pm ka na makakauwi. Halos ng kasi ng mga kasabayan mo puro nagpapa Ultrasound. Yung check up mo di tatagal ng 5 minutes kasi mabilisan di mo man lang makausap ng one on one si Doc para magtanong sana kung ano mga bawal at di bawal kainin or gawin. Yung mga laboratory test na ibibigay mo sa kanya di niya binabasa kung di mo itatanong di niya sasabihin kung normal lang ba or hindi. Nagtitiis kami mga pasyente niya kasi siya lang yung OB sa bayan namin na may pang ultrasound kasi yung mga ibang OB wala silang machine pang Ultrasound. Nakakangalay po ang maghintay sa kanya lalo na buntis mga pasyente niya ang sakit sa balakang?

45 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

normal lang yan, intindihin mo rin OB mo hind naman kc lahat ng consultant nag i stay sa clinic nila.. check mo affiliation nya na mga hospitals, mag background check ka kung ilan pasyente nya sa iba't ibang hospitals.. oo hnd nya nababasa agad sa harapan mo mga results kc hnd lang ikaw ang pasyente nya na babasahan nya ng results.. hnd ganun kadali mag diagnose on the spot without even understanding those results.. if may mga gsto ka itanong sa kanya be vocal ikaw mismo mag open up dhl hnd na yan magtatanong sayo ng any concerns dhl marami pa ang nakapila.. pasalamat ka nalang na may nag bukas pang OB gyne sa area nyo, kung nalelate sya pagpunta sa clinic either umattend sya ng conference, nag rounds sya, may pasyente syang paanakin, may emergency case sya... madami iniisip bawat field ng doctors na nag cliclinic.. hindi lang ikaw ang babasahan nyan ng orders or results.. kaya intindihin mo nalang kung feel mo hnd ka nya naasikaso ng maayos o mabuti... okay lang naman kung bgla mo sabhn "ay doc may concern lang po ako bago kmi umalis" then un sasagutin ka nya... pagod din cla.. hnd porket late cla dumarating eh kumeme lang cla or galing cla ng bahay, malay mo late sila dumating not knowing na galing sila sa 36hrs duty dahl sunod sunod nagpaanak.. try mo rin ask minsan kung kumain na ba sya.. kc sa dami ng pasyente minsan hnd na sila kumakain matapos lang kayong lahat..

Magbasa pa

Yung ob ko kahit minsan late sya naiintindihan ko kase pumupunta pa sya ng ospital, saka binibigay nya contact number nya para just in case na may itatanong ka. At kht madaling araw ka magtex sa knya magugulat ka nagrereply sya. I mean mga ganung oras pala gising pa sya and nasa hospitl pa pala sya kase may pinapaanak pala sya. And d rin sya minsan maniningil sa check up lalo na pag kailangan mo bumalik kinabukasan. Iba iba rin kase ang ob meron mapagsamantala kht d ka nman cs at kaya mo manganak ng normal sasabihin sayo cs ka. Base to sa nakausap ko tapos lumipat sya sa ob ko ayun nalaman nya na pede pala sya manganak ng normal.

Magbasa pa
VIP Member

Sis kng lageh ganyan lipat ka ibang ob n komportable ka.. B4 kasi ung una k ob ang ayaw k lng ung mdai cys ineentertain n ahente ng gamot, mnsan mas mdai p naeentertain n ahente ksa samin n mga pasyente nya, kya 2matagal kmi s pila dn. Pro mgaling dn nman cya, had to change ob lng kasi lumipat kmi ng bahay n.. Prang ngaun lng ako nka alam n my ob pla ng hanggang gabi nagcchek.. Kng wala utz ibang ob, s mga laboratory ka nlang pa utz bsta ung ob mu sure na maaasikaso ka mabuti.. Ob k very accomodating cya pagdating s mga pasyente nya, kasi un nman tlga dpat ung mramdaman nating mga mommy at preggy na secure tau sakanila..

Magbasa pa

Maswerte ako sa OB ko nung nagpapa checkup pa ako, kahit medyo malayo samin, at may mas malapit na hospital samin, talagang sinasadya ko pa sya, kahit mapamahal ako sa grab.. sobrang maalaga at ang bait bait pa.. sad nga lang, hindi ako sa knya nanganak dahil sa ecq.. Walang masakyan.. kaya ang ending, sa malapit na hospital ako nanganak, walking distance lang kasi samin.. pero thankful parin ako sa bagong OB ko at sa team nya, dahil hindi nila ako pinabayaan nung CS nila ako..

Magbasa pa

Change oby momsh!! Yung oby ko super busy nun, talagang alaga ka xa mismo magtatanong sayo ng mga ganito kung anu mga nararamdaman mo etc.at kung may tanung ka xa din magoopen sayo.. Natatagalan lang kame ng antay kapag may pinapaanak but sulit naman ang pag-antay namin.πŸ™‚ Ngayon nakapanganak na ko at safe kame parehas ng anak ko dahil magaling si oby.. Hi kay DRA.CHRISTINE NON ng MEYCAUAYAN DOCTORS HOSPITAL, isa sa magaling na OBY-SONO jan..πŸ™‚

Magbasa pa

Hindi po ganyan sis OB. Sa clinic niya walang ultrasound, doppler lang meron siya. Another clinic ang ultrasound kasi gusto nila makausap ng maayos si doc. Pag dating naman sa oras ng check up, kapag nauna ka and bigla kang umalis, tapos biglang may ibang dumating sila ang iuuna. Kasi priority nila yung mga nag aantay talaga sa loob. Hindi yung papalista ka lang tapos bigla kang aalis. Pano pag natawag ka tapos wala ka pa.

Magbasa pa
VIP Member

Okay lang yan. Magaa pa nga ang 9pm. Last time na nagpacheck ako sa hometown ng mommy ko sa Dagupan, my ghad! 11am andun na ako kasi 1pm daw start. At pang number 13 ako. Leche! Nakauwi ako ng 12mn. Dahil maraming pinasingit at kailangan iraspa. Hayup na yun. And to think sa private hospital pa ako. Di ka nagiisa momsh. May mga doctor talaga na paimportante. πŸ˜’

Magbasa pa
5y ago

Luh momsh hindi din madali ang paghintayin tapos buntis ka pa normal lang na mainipin ka. Pwede naman kasi sabihan in advance or mag time management ang OB para di mahirapan lahat ng patients nya. Kung di nya kaya, wag tanggap ng tanggap ng patients. It irates me na parang kasalanan pa nila na maghintay ng katagal tagal

VIP Member

Sis pwede ka po magchange ng OB. Mas better yung naeexplain sayo lahat pati mga questions mo. Maalagaan ka throughout your pregnancy. Ok lang kahit walang ultrasound machine sa ibang OB kasi pwede ka naman nila bigyan ng referal form para makapagpaultrasound ka and babasahin nalang nila result. Mas mapapadali kasi yung pregnancy pag ok yung OB mo. 😊

Magbasa pa

Change kana po yung ob ko po nun sobrang maalaga talaga dika papabayaan pag nagpapacheckup ako head to toe i ccheck ka nya at laging nagpapaalala tas kada checkup sinisilip nya talaga si baby at pinapaliwanag nya kung ok si baby at lahat ng lab ko pinapaliwanag nya isa isa Dr.Ivy martinez Sta cruz hospital in calumpit

Magbasa pa

Pwede naman po mag change ka nalang ng OB, hindi naman po kasi tayo need ma ultrasound lagi... doppler is enough pero kung need ng ultrasoynd, then yun lang time magpa ultrasound... kakainis talaga mga ganyang doctor... not all but may iba talaga na mukhang pera... wag istress self mo.