Ganito din ba OB-Gyne niyo?

Kwento ko lang yung OB ko. Kapag mag papacheck-up ka dapat maaga ka tumawag or magtxt sa secretary niya para di ka mahuli sa pila. Kailangan 1pm nasa clinic ka na. Darating ka na fresh, uuwi kang bilasa. Kasi dadating si Doc ng 5:30 ng hapon malas mo kung panghuli ka kasi 9pm ka na makakauwi. Halos ng kasi ng mga kasabayan mo puro nagpapa Ultrasound. Yung check up mo di tatagal ng 5 minutes kasi mabilisan di mo man lang makausap ng one on one si Doc para magtanong sana kung ano mga bawal at di bawal kainin or gawin. Yung mga laboratory test na ibibigay mo sa kanya di niya binabasa kung di mo itatanong di niya sasabihin kung normal lang ba or hindi. Nagtitiis kami mga pasyente niya kasi siya lang yung OB sa bayan namin na may pang ultrasound kasi yung mga ibang OB wala silang machine pang Ultrasound. Nakakangalay po ang maghintay sa kanya lalo na buntis mga pasyente niya ang sakit sa balakang?

45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

normal lang yan, intindihin mo rin OB mo hind naman kc lahat ng consultant nag i stay sa clinic nila.. check mo affiliation nya na mga hospitals, mag background check ka kung ilan pasyente nya sa iba't ibang hospitals.. oo hnd nya nababasa agad sa harapan mo mga results kc hnd lang ikaw ang pasyente nya na babasahan nya ng results.. hnd ganun kadali mag diagnose on the spot without even understanding those results.. if may mga gsto ka itanong sa kanya be vocal ikaw mismo mag open up dhl hnd na yan magtatanong sayo ng any concerns dhl marami pa ang nakapila.. pasalamat ka nalang na may nag bukas pang OB gyne sa area nyo, kung nalelate sya pagpunta sa clinic either umattend sya ng conference, nag rounds sya, may pasyente syang paanakin, may emergency case sya... madami iniisip bawat field ng doctors na nag cliclinic.. hindi lang ikaw ang babasahan nyan ng orders or results.. kaya intindihin mo nalang kung feel mo hnd ka nya naasikaso ng maayos o mabuti... okay lang naman kung bgla mo sabhn "ay doc may concern lang po ako bago kmi umalis" then un sasagutin ka nya... pagod din cla.. hnd porket late cla dumarating eh kumeme lang cla or galing cla ng bahay, malay mo late sila dumating not knowing na galing sila sa 36hrs duty dahl sunod sunod nagpaanak.. try mo rin ask minsan kung kumain na ba sya.. kc sa dami ng pasyente minsan hnd na sila kumakain matapos lang kayong lahat..

Magbasa pa