Ganito din ba OB-Gyne niyo?

Kwento ko lang yung OB ko. Kapag mag papacheck-up ka dapat maaga ka tumawag or magtxt sa secretary niya para di ka mahuli sa pila. Kailangan 1pm nasa clinic ka na. Darating ka na fresh, uuwi kang bilasa. Kasi dadating si Doc ng 5:30 ng hapon malas mo kung panghuli ka kasi 9pm ka na makakauwi. Halos ng kasi ng mga kasabayan mo puro nagpapa Ultrasound. Yung check up mo di tatagal ng 5 minutes kasi mabilisan di mo man lang makausap ng one on one si Doc para magtanong sana kung ano mga bawal at di bawal kainin or gawin. Yung mga laboratory test na ibibigay mo sa kanya di niya binabasa kung di mo itatanong di niya sasabihin kung normal lang ba or hindi. Nagtitiis kami mga pasyente niya kasi siya lang yung OB sa bayan namin na may pang ultrasound kasi yung mga ibang OB wala silang machine pang Ultrasound. Nakakangalay po ang maghintay sa kanya lalo na buntis mga pasyente niya ang sakit sa balakang?

45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Okay lang yan. Magaa pa nga ang 9pm. Last time na nagpacheck ako sa hometown ng mommy ko sa Dagupan, my ghad! 11am andun na ako kasi 1pm daw start. At pang number 13 ako. Leche! Nakauwi ako ng 12mn. Dahil maraming pinasingit at kailangan iraspa. Hayup na yun. And to think sa private hospital pa ako. Di ka nagiisa momsh. May mga doctor talaga na paimportante. 😒

Magbasa pa
5y ago

Luh momsh hindi din madali ang paghintayin tapos buntis ka pa normal lang na mainipin ka. Pwede naman kasi sabihan in advance or mag time management ang OB para di mahirapan lahat ng patients nya. Kung di nya kaya, wag tanggap ng tanggap ng patients. It irates me na parang kasalanan pa nila na maghintay ng katagal tagal