Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Queen bee of 1 troublemaking junior
Taga Capas Tarlac
Sino po mga taga Capas Tarlac dito?Magkano po nagastos niyo nung na CS kayo?
Pinaglihian niyo ba si Oppa?
Good Vibes lang po tayo mga momshie. Sino dito mahilig manood ng mga K-drama at gusto paglihian or pinaglihian mga gwapong Oppa natin like Lee Min Ho, Hyun Bin, Park BoGum, So JiSub, Song Joongki, Lee JongSuk, etc. Successful naman ba mga momshie? Naging kamukha ba nila kahit konti lang? Hahaha.
Ganito din ba OB-Gyne niyo?
Kwento ko lang yung OB ko. Kapag mag papacheck-up ka dapat maaga ka tumawag or magtxt sa secretary niya para di ka mahuli sa pila. Kailangan 1pm nasa clinic ka na. Darating ka na fresh, uuwi kang bilasa. Kasi dadating si Doc ng 5:30 ng hapon malas mo kung panghuli ka kasi 9pm ka na makakauwi. Halos ng kasi ng mga kasabayan mo puro nagpapa Ultrasound. Yung check up mo di tatagal ng 5 minutes kasi mabilisan di mo man lang makausap ng one on one si Doc para magtanong sana kung ano mga bawal at di bawal kainin or gawin. Yung mga laboratory test na ibibigay mo sa kanya di niya binabasa kung di mo itatanong di niya sasabihin kung normal lang ba or hindi. Nagtitiis kami mga pasyente niya kasi siya lang yung OB sa bayan namin na may pang ultrasound kasi yung mga ibang OB wala silang machine pang Ultrasound. Nakakangalay po ang maghintay sa kanya lalo na buntis mga pasyente niya ang sakit sa balakang?
Gender: Girl
Hi, i'm 20 weeks or 5 months pregnant. Nagpa ultrasound ako kanina para malaman gender ng baby ko at ang result ay GIRL. Sabi ng OB ko pwede din magkamali tignan daw namin next month kung tama siya na GIRL nga ang gender. Gusto sana ng husband ko ay BOY kasi girl na yung panganay namin. Pwede ba magkamali ang OB at result ng Ultrasound?
Worried Buntis
19 weeks and 2 days pregnant po. Normal lang po ba na nasa may ibaba ng puson ang umbok at pintig or galaw ni baby? Or dapat po nasa may taas na?
Panaginip
Hi, i'm 18 weeks pregnant. Lagi ko napapanaginipan na nanganak na ako at ang gender ng anak ko ay GIRL. Sa tingin niyo po may posibilidad na babae nga ang baby ko?
Obimin
Mga momshie sino na po sa inyo ang nakapag take na ng Obimin? Dahil lockdown po yun na lang muna ipapabili ko sa botika. Safe po ba?
ferrous and calcium
Pwede na po ba uminom ng ferrous and calcium ang 17 weeks pregnant? Kung pwede na po ano po kaya brand maganda bilhin? Salamat po.
Folic Acid
Ilan weeks po pwede uminom ng folic acid?Kasi ako 16 weeks na pero umiinom pa din ng folic acid tsaka vit B1B6B12 kaya lang malapit na maubos. Lockdown pa naman di ko alam ano next vitamins iinumin kasi di makapagpa checkup walang nakabukas na clinic.
Bumubukol
4 months pregnant po ako. 2 days ng may bumubukol sa right side ng puson ko di po ako sure kung yung baby ko na po ba yun? Sa left side po kasi malambot sa right matigas.