Finally, my little bundle of joy is here!
Kwento ko lang po birthing story ko, Nov 12 ng morning I woke up at 6am usually always ako nagwawalking pag ganung oras para mag progress ang cm ko and then after that akyat baba sa hagdan 10x. Bandang 3pm naramdaman ko biglang sumakit yung puson ko na para akong rereglahin pero tolerable pa naman yung pain, nag decide kami pumunta ng lying in para magpa IE, pag check 2-3cm palang daw ako kaya pinauwi muna kami. Pag uwi namin walking ako ulit sa labas ng bahay namin paikot-ikot lang, akyat baba ulit sa hagdan. Mga bandang 9pm nagstart na yung tuloy-tuloy na sakit minomonitor ko sa app yung contractions ko every 5mins na ang interval nya pero di pa ako agad pumunta ng lying in kasi inaantay ko muna lumabas yung bloody show na sinasabi nilang sign. Bandang 12am ayun na may lumabas na sakin na bloody show kaya nagligpit na kami mga gamit ko at gamit ni baby dahil alam ko na anytime pwede na ako manganak. 1am nasa lying in na kami pag IE sakin 4cm kaya inadmit na ako, lakad lakad padin ako sa lying in para mas mabilis mag progress yung cm. Habang tumatagal patindi ng patindi yung sakit pero keri lang basta para kay baby, iniisip ko nalang malapit ko na makasama at makita yung baby ko, bandang 2am pag IE ulit 6cm na, pagpatak ng 4am 8cm na konting tiis nalang talaga sabi ko, kinontact na nung midwife yung OB ko para mapuntahan na ako kasi 8cm na and then pagdating ni OB pinasok na ako sa delivery room, si Doc na yung pumutok ng panubigan ko tapos yun 5 na ire baby out at 6:00am, Nov 13, 2020. Sobrang sakit pala talaga manganak lalo na pag dry labor ka pero everything is worth it nung narinig ko na yung iyak na anak ko. All glory to God! 🙏 Goodluck & Godbless po to all mommies!! Kaya nyo yan team November, makakaraos din kayo basta wag kalimutan palagi magdasal. 🙏 EDD: Nov 20, 2020 DOB: Nov 13, 2020 Welcome to the world my baby "Amira Tyra" ❤ This is the journey that I will never forget! ❤