Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Tyra's Mom
Poop ni Baby
Hello mga mommies! Sana may makapansin ng tanong ko, normal po ba na yung poopoo ni baby is color yellow green na watery? 2months old po sya turning 3months na bukas. Nagwoworry po kasi ako kung normal ba o hindi. Salamat po sa mga sasagot. #firstbaby #1stimemom #advicepls
Breastfeeding...
Momshies sino po dito yung pure breastfeed? Ilang beses po dumede yung mga babies nyo? At gaano po sila katagal magdede? FTM here. Salamat po sa mga sasagot. ☺
Breastmilk...
Mga mamsh sino po dito nagpapa breastfeed? Ask ko lang kung ilang oras ba ang tinatagal ng breastmilk after ipump at nakalagay sa feeding bottle? FTM here. Salamat po sa mga sasagot.
Finally, my little bundle of joy is here!
Kwento ko lang po birthing story ko, Nov 12 ng morning I woke up at 6am usually always ako nagwawalking pag ganung oras para mag progress ang cm ko and then after that akyat baba sa hagdan 10x. Bandang 3pm naramdaman ko biglang sumakit yung puson ko na para akong rereglahin pero tolerable pa naman yung pain, nag decide kami pumunta ng lying in para magpa IE, pag check 2-3cm palang daw ako kaya pinauwi muna kami. Pag uwi namin walking ako ulit sa labas ng bahay namin paikot-ikot lang, akyat baba ulit sa hagdan. Mga bandang 9pm nagstart na yung tuloy-tuloy na sakit minomonitor ko sa app yung contractions ko every 5mins na ang interval nya pero di pa ako agad pumunta ng lying in kasi inaantay ko muna lumabas yung bloody show na sinasabi nilang sign. Bandang 12am ayun na may lumabas na sakin na bloody show kaya nagligpit na kami mga gamit ko at gamit ni baby dahil alam ko na anytime pwede na ako manganak. 1am nasa lying in na kami pag IE sakin 4cm kaya inadmit na ako, lakad lakad padin ako sa lying in para mas mabilis mag progress yung cm. Habang tumatagal patindi ng patindi yung sakit pero keri lang basta para kay baby, iniisip ko nalang malapit ko na makasama at makita yung baby ko, bandang 2am pag IE ulit 6cm na, pagpatak ng 4am 8cm na konting tiis nalang talaga sabi ko, kinontact na nung midwife yung OB ko para mapuntahan na ako kasi 8cm na and then pagdating ni OB pinasok na ako sa delivery room, si Doc na yung pumutok ng panubigan ko tapos yun 5 na ire baby out at 6:00am, Nov 13, 2020. Sobrang sakit pala talaga manganak lalo na pag dry labor ka pero everything is worth it nung narinig ko na yung iyak na anak ko. All glory to God! 🙏 Goodluck & Godbless po to all mommies!! Kaya nyo yan team November, makakaraos din kayo basta wag kalimutan palagi magdasal. 🙏 EDD: Nov 20, 2020 DOB: Nov 13, 2020 Welcome to the world my baby "Amira Tyra" ❤ This is the journey that I will never forget! ❤
39weeks....
Mga mamsh 39weeks na po ako and stock ako sa 3cm. Pero madalas na yung pagsakit ng puson ko, ano po ba dapat gawin para mag progress yung cm? Salamat po sa mga sasagot!
38weeks & 3days
Hello mga mamshies! 38weeks & 3days na ako ngayon and may lumabas na white discharge sakin. Ano po meaning nun? Sign na po ba yun na malapit na ako manganak? Maliban po sa pagputok ng water bag & mucus plug? Salamat po sa mga sasagot! ☺
38weeks...
Mga mamsh sino dito 38weeks na? 38weeks na po ako today and 3cm na ako sabi ni OB. Kayo po ilang cm na? Nakakaramdam nadin ba kayo ng contractions? Sana makaraos na tayo mga team November mommies! Pray lang & Godbless po sainyo.
Squat while Pregnant
Momshies tanong ko lang po kung ilang beses kayo nag squat sa isang araw? Wala po kasi ako idea, FTM here & 37weeks na ako. Please respect po. Thankyou sa mga sasagot!
SIGNS & SYMPTOMS
Hello mga mamsh! Ano-ano po ba mga signs na malapit na manganak? 37weeks na ako at medyo sumasakit sakit puson ko pero nawawala-wala din naman. FTM here. Salamat po sa mga sasagot! Team November po ako 😊
Baby Needs
Hello mga team November dyan. Kumpleto na po ba mga gamit ni LO nyo? Patingin naman po hehe. San po kayo bumili ng mga clothes? 😊