MASAMA LANG TALAGA LOOB KO

Kung pwede lang piliin magiging myembro ng pamilya. Never kong hihilingin na maging tito at tita ang mga kapatid ng papa ko. Bakit? 22 years old ako. Nabuntis ng hindi kasal, ang sinisi nila ay mama ko. Kung hindi daw sana sya naging maluwag sa pagpayag na magtrabaho ako sa ibang lugar, hindi sana ako nabuntis. Pero putang ina nyong lahat! Yang nanay ko na sinisisi nyo sa nangyari sakin, sya lang naman yung isa sa mga tumulong at nagmalasakit sa inyo pag may nangyayaring hindi maganda sa loob ng pamilya nyo mismo. Makapagsalita kayo akala nyo mga wala kayong kabit, kinabit at kinakabit. Mga anak ng Diyos ang tingin sa sarili, puro naman mura kapag wala na sa loob ng bahay sambahan. Mga matataas ang tingin sa sarili, mahirap nga siguro ang pamilya nila mama pero saglit lang... Di naman din kayo mayayaman. Hindi naman ganun matatalino ang mga anak nyo at lalong wala naman kayong naitulong sa pagpapalaki samin kung hindi puro pang huhusga. Tito at tita, alam mo bang yang mga anak nyo ginawan ako ng kalaswaan nung bata pa ako? Hindi di ba? Matagal na kayong nang iinsulto samin. Dahil habang kaya nyong pag aralin mga anak nyo sa private schools, kami ng mga kapatid ko, sa public school nag aaral, madalas nyo pang tawaging bobo dahil sa public school lang. E asan na ba mga anak nyo ngayon? Spelling lang hindi nga maiayos. Pahat ng anak na pinagmamalaki nyong nakatapos sa pag aaral, nasaan? Nagttrabaho ba? Ako 15 nagttrabaho na ako, habang kinukutya nyo pamilya namin, nagsisikap kaming mag aral at magtrabaho para mapaayos kami. Pangako ko sa inyo, magiging matagumpay ako, magsabi kayo ng kung ano-ano kung kayo mismo, ngayon palang, kaya nyo ng tapatan ang sinasahod ko. Mga banal!

4 Replies

sa side din ng pamilya namin kay mama, nagagalit sila kse nabuntis din ako ng hindi kasal. samantalang ung mga kamaganak nayun ang mga asawa nila mismo karamihan (tito ko) mga manyak. bukod pa dun, ung mga pinsan ko na nagmamadali at masyadong judgemental din dahil nga di pa kasal, kasal nga sila pero nangangabit sila. FYI may bf sa ibang bansa. feeling banal din. ewan ko ba dko nalang pinapansin. ang mahalaga, kahit di kami agad nakasal ng partner ko mabuti naman sakin mahal na mahal ako tska alaga ako. unlike sa relationship na meron sila. mas malalala pa kahit na sabihing kasal

damay mo pa ung kapatid ko na lalaki. samantalang ako graduate na ko, working nadin . pero kung ijudge nya na nagpabuntis/nagasawa nako agad parang bawal padin. FYI mas bata sakin un. bukod padun, working din naman ang partner ko. nakakatulong din ako kay mama twing sahod bago ako mabuntis. sya, di pa graduate puro pa bagsak ang grades tas kung makapagsalita kala mo andaming alam. kaya ewan ko talaga.

Karma is a bitch. Wag ka na pastress. Prove them wrong para pagdumating yung araw kakainin nila lahat ng mga sinasabi nila sainyo ngayon. Kaya mo yan 👍😊

Same sis. Ang baba ng tingin nila sa parents ko pero wala naman malasakit. Gusto lang makapanlamang.

May mga ganyang tao. Bulag pagdating sa sarili nila.

Nakakainis nga po e. Kung makapag salita akala mo ang gagaling.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles