Changes

Hi mga mamsh. Sabi nan bestfriend ko madami daw magbabago pag nagkaanak na. Sa inyo ba nga mamsh ano nagbago sa inyo simula ng nabuntis kayo at nagkaanak. O kaya mga pagbabago na wala kayong kaide-ideya nung wala pa kayong anak at narealize nyo lang nun magkameron na. Kahit pati pagbabago sa katawan. Share naman para magka-idea. ?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Super daming nagbago sa akin simula ng nanganak ako, una tumaba tapos hndi na nkakapag maintain sa sarili at ngayon SAHM na. Dati nung dalaga nagttrabho ako sa cruise ship panay pasyal, pag uwi ng pinas panay pasyal dn at nbbili anong gusto ko. Every uwi ko nagpapaayos ng hair, facial at massage. Ngayon I have to give up my job for baby may time na nagging emotional namimiss ko yung life ko dati pero maswerte ako I have a very supportive husband and a healthy baby. Naiisip ko lng yun panalo na ako. Thank you Lord God for the gift of family. ❤

Magbasa pa

Lahat po magbabago..yung dating pagkaganda ganda mong buhok na nakalugay ngaun naka pusod na.dati nung dalaga ka pa pag pumupunta ka ng mall sa ladies section ka ngaun sa baby section na, dati laman ng bag mo puro pampaganda ngaun diaper at gatas na,dati un pera mo pambudget sa damit,make up,resto,gimik ngaun pambudget mo na ng gatas diaper ni baby specially family meal nyo.hayy naku ibang iba talaga pag nanay ka na

Magbasa pa
VIP Member

Hinde ko narealize na mawawalan ako ng social life! Kase yung iba kong friends kahit my anak na dati nakakasama ko pa sa pagpaparty hanggang madaling araw and nakakagala lage kaya never ko inexpect na i will be different from them and proud naman ako na i became like this. Ngayon ko lang din narealize na ang sagwa pala tignan ng ganon my anak na tapos gumigimik pa lage. Naiba din ang views ko sa buhay nung nagkaanak ❤

Magbasa pa

Physically, emotionally and mentally magchechange ka talaga. Kaya dapat maging ready ka. Mahirap na masarap ang pagiging parent/s lalo kung ftm ka. Sobrang laking adjustment at ang daming sacrifices kasi magiiba na priorities mo. But still, it’s upto you naman how you will handle those things. Wag kang matakot, embrace mo lang lahat ng pwede mong pagdaanan at pwedeng mangyari sayo. 😊

Magbasa pa

madami pagbabago unang una di ko na priority sarili ko ung mga anak ko na.natuto akong magbudget.hindi basta bili lang ng bili.pag kumain sa labas inuubos ko na unlike before pag di ko gusto hitsura or lasa kahit isang tikim pa lang di ko na kinakain at madami pang iba but everytime na naiisip ko sarili kong pamilya i know worth it lahat ng changes

Magbasa pa
VIP Member

pag nagkaanak ka mas uunahin mo na sya kesa sa sarili mo, minsan dibale ng nalipasan ka ng gutom basta ok na yung baby mo. pag may bibilhin ka mas uunahin mo bilhan anak mo kesa sa luho mo. sobrang dami sa physically, emotionally, mentally and spiritually (tipong lahat ng santo tatawagin mo char!)

Ndi na everyday yung gala.. Yung kaya mo pala magpasensya sa bata. Nakakaya mo na kumain ng tira tira galing sa mga anak mo. At wala ng 5mins more pag nag alarm yung clock. Kailangan bumangon agad. Minsan mas maaga ka pa sa manok. Lahat ng gawain alam mo na.

Magbasa pa

Madaming pagbabago, sempre yung sa physical appearance natin expected na natin yun, pero ngayon ying di ko na maitreat sarili ko sa labas, di ko maayus ayos sarili ko and ofcourse dami ng iisipin di na lang sarili

Tumaba ako, ayun lang 😅😆 kahit nung hindi pa ako buntis hindi na talaga ako mahilig mamasyal/gumala mas gusto ko pa sa bahay lang pag day off. Ngayon, mas masaya sa bahay kasi kasama ko baby ko ☺

Zero social life. Walang binatbat ung puyatan sa paggawa ng thesis or project mo noon sa paggising ni baby sa madaling araw. Nakaka amaze na production ng milk ng katawan mo. 😂