Napano po si hubby? Tulong po!

Kinakabahan po ako sobra. Masama po pakiramdam ni hubby, inuubo po siya, matamlay, and may konting lagnat. Medyo masikip din po daw dibdib niya. Di ko po alam kung pagod lang siya or virus na ba ito. Baka kasi naninibago lang katawan niya kasi bigla siyang pinag graveyard shift, tas kulang po lagi tulog niya the past days kasi sinasamahan niya ako sa check ups, ultrasound, etc. Nauulanan pa po, tas naiinitan. Siya din po madalas sa gawaing bahay kasi nakabedrest po ako. Manganganak napo ako next week. Kulang po budget namin. And natatakot po talaga ako kung magkavirus si hubby, ibig sabihin at risk din ako saka yung baby. Naiiyak na po talaga ako. Sobrang mahal ng swabtest, pano po kaya ito? Nagparapid test din po pala ako kahapon, negative naman yung result. Sobrang natatakot po ako. Room lang po meron kami and wala akong ibang mapupuntahan. Di maiiwasang magka interact talaga kami 😭

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magpakulo po kayo ng tubig tapos lagay nyo sa maliit na planggana lagyan nyo ng asin tapos pag taklubin mo ang asawa mo sa kumot para pag pawisan sya. Mga 30 mins basta hanggang sa lumabas lahat ng pawis nya. Pahigupin mo ng pinakuluang luya. Ganyan po nangyare sa tatay ko nito lang nakaraang linggo sumasakit din lalamunan nya. And nag alala din kami na baka virus yun pero hindi naman. Dala lang ng pagod yun. Naulanan din kase. Anyway po mag pray kayo na sana gumaling na sya. Wag kayo masyado mag panic na baka virus yun as long as di naman dumidikit mister mo sa ibang tao. :)

Magbasa pa